Connect with us

Entertainment

Mag-amang Zoren Legaspi at Cassy Legaspi Kinagiliwan ng Netizens Dahil Sa Kanilang Nakakatuwang Live Selling, Zoren Binuko ang Love Life Ni Cassy

Agaw atensiyon kamakailan sa social media ang mag-amang Zoren Legaspi at Cassy Legaspi matapos kagiliwan ng netizens ang kanilang video habang nagla-live selling. Ang mag-ama ay nag-live selling sa Facebook bilang bahagi ng segment ng Kapuso show na “Sarap ‘Di Ba?” na tinawag na “Pa-mine ‘Di Ba?”

Credits:  Pa Mine Di Ba Live Selling | Fb

Sa nasabing segment ng Kapuso show, ay magbebenta sila online habang naka-live. At ang kanilang ibinibenta ay mga pre-loved items ng mga celebrities kung saan ang kita nito ay mapupunta sa Kapuso Foundation. At para sa live selling ng mag-ama habang nasa show, ay mga pre-loved items ng asawa ni Zoren na si Carmina Villaroel.

Sa unang bahagi ng video, ay makikitang magiliw na inanyayahan ng mag-ama ang mga viewers na manood at bumili ng kanilang paninda. Sa kalagitnaan naman ng kanilang live selling na napuno ng saya at tawanan nilang mag-ama, ay napag-usapan ng love life ni Cassy at ilan pang bagay na talagang naghatid ng saya sa mga manonood.

Credits:  Pa Mine Di Ba Live Selling | Fb

Hindi kasi maitago sa mukha ni Cassy ang kilig sa tuwing nababanggit ang kanyang love life matapos ibuko ng kanyang amang si Zoren na maraming manliligaw ang young actress. Maraming netizens ang talagang natuwa at giliw na giliw sa magandang samahan nga mag-amang Zoren at Cassy. Ang ilan nga ay tuwang-tuwa rin sa reaksyon ni Cassy na talagang kilig na kilig habang kausap ang kanyang ama.

Dahil nga, sa masaya at buhay na buhay nilang pagbebenta online ay talagang dinagsa ng maraming viewers at inulan ng mga komento. At ngayon nga, ay umabot na ito ng mahigit 3 million views.Marami rin ang naibentang items nila Zoren at Cassy sa kanilang live selling.

Ang mag-asawang Zoren Legaspi at Carmina Villaroel ay biniyayaan ng kambal na anak na sina Cassy at Mavy na ngayon ay pawang mga dalaga at binata na. Hindi naman maikakaila na ang kambal na anak ng mag-asawa, ay namana ang maganda nilang katangian. Bukod nga rito, ay sumunod rin sa yapak nina Zoren at Carmina ang kanilang kambal sa showbiz, kung saan ay patuloy na namamayagpag ang karera. Ang kambal na sina Cassy at Mavy ay isinilang ni Carmina noong January 26, 2001.

Credits:  Pa Mine Di Ba Live Selling | Fb

Samantala, si Cassy ay isa sa may pinakamagandang mukha sa insdutriya ng showbiz na may malaking pagkakahawig sa kanyang inang si Carmina. Hindi naman maikakaila na ang isang katulad ni Cassy na bata pa lang, ay pinasok na ang showbiz ay unti-unti na ring nagiging independent. Sa katunayan nito, ay inamin ni Cassy sa isang panayam na handa na siyang mamuhay nang wala sa tabi niya ang kanyang mga magulang na sina Carmina at Zoren. Maaasahan na rin si Cassy sa pagbabayad ng bills sa kanilang bahay mula sa kanyang sahod.

error: Content is protected !!