Connect with us

Entertainment

Mag-amang Jake Ejercito at Ellie, Enjoy sa Kanilng 1st Time Scuba Diving Adventure sa Siargao

Panibagong ‘sports’ naman ngayon ang sinubukan at in-enjoy ng mag-amang Jake Ejercito at Ellie sa Isla ng Siargao, at ito nga ay ang pag-scuba diving.
Noong buwan lamang ng Enero taon ng kasalukuyan at nagtapos ang kauna-unahang seryeng kinabilangan ni Jake Ejercito, ito nga ay ang ‘Marry Me, Marry You’. At dahil wala pang kinaaabalahang bagong proyekto ngayon ang aktor, ay pinili nitong ilaan ang panahon at oras niya na maka-bonding ang anak niya sa ex-girlfriend niyang si Andi Eigenmann, na si Ellie.

Photo  Credits: Jake Ejercito | IG

Nito lamang ika-18 ng Pebrero ay ibinahagi ni Jake sa kanyang social media account ang ilang mga larawan na kuha sa naging masayang pagkikita at pagkakasama nilang muli ng kanyang anak na si Ellie. Muli ngang binisita ni Jake ang anak niyang si Ellie sa Siargao kung saan ito ngayon naninirahan kasama ang ina nitong si Andi. Sa pagkakasama nga muli nila ng kanyang anak, ay isang masayang bonding naman ang kanilang pinagsaluhan, kung saan sinubukan nga nila ang pag-scuba diving sa napakaganda at mala-paraisong isla ng Siargao.

Photo  Credits: Jake Ejercito | IG

Ayon sa ulat ito ang unang pagkakataon na sinubukan ng Star Magic talent ang pag-scuba diving. Batid naman natin na si Ellie ay sanay na sa mga underwater activities tulad nito dahil sinanay siya ng kanyang inang si Andi sa mga aktibidad sa isla kagaya nito magmula nga ng sila ay manirahan sa nasabing isla, kaya naman hindi na bago pa kay Ellie ang pag-scuba diving.

“Wish we had a better underwater cam, but it was awesome to be with Ellie on my first ever dive. Looking forward to the next one already”, ang naging caption ni Jake sa kanyang Instagram post.

Photo  Credits: Jake Ejercito | IG

Kitang-kita naman sa mga larawang ibinahagi ni Jake kung gaano sila kasaya ng anak niyang si Ellie sa pag-scuba diving nila.
Samantala, sa mga nakalipas na panayam kay Jake ay ibinahagi niya na sa kabila ng naging hindi maganda ang hiwalayan nila noon ng dating ex-girlfriend niyang si Andi, sa ngayon nga ay maayos naman ang kanilang co-parenting set-up sa anak nilang si Ellie.

Photo  Credits: Jake Ejercito | IG

Inamin din ng aktor na noong simula ay talagang hindi naging madali sa kanya ang gampanan ang pagiging isang magulang lalo pa’t hindi pa nga sila ganoon ka-mature ng ipinanganak si Ellie. Ngunit ngayon nga ay masisilayan nga na sa pagdaan ng panahon ay natutunan na niya kung paano ang maging isang responsable, mapagmahal at mabuting ama sa anak niyang si Ellie.

Photo  Credits: Jake Ejercito | IG

“Hindi siya madali. And marami na rin kaming pinagdaanan bago kami dumating sa point na ‘to na we found the right balance. Madami kaming pinagdaanan na ups-and-downs na parang roller coaster. Siyempre, when we became parents, twenty-one lang kami pareho. Then siyempre ‘yung pride, ‘yung maturity. So it took a while. Years before kami dumating sa point na ‘to na inuuna na namin ‘yung welfare ni Ellie,” ani Jake.

Photo  Credits: Jake Ejercito | IG
Ipinagpapasalamat din ni Jake ang lahat ng mga positibong komento na kanyang natatanggap sa mga netizens, na nakikita kung paano niya ginagawa ang best niya bilang isang ama.

“Been receiving lots of positive comments about me being a ‘good’ dad to Ellie. Though I am truly humbled by and appreciate all the kind words, I honestly don’t think I’m doing anything special. I’m just trying to be the best dad for my daughter.”

error: Content is protected !!