Connect with us

Entertainment

Lyca Gairanod, Ibinahagi na Hindi Pinanghinayangan ang Kanyang Naging Desisyon na Mas Unahing Ipagpatuloy ang Pag-aaral Kaysa Mag Focus sa Career

Sadyang napakahalaga naman talaga ng pag-aaral sa buhay ng isang tao, sapagkat ito ang magiging daan o tulay upang mabago ang kanilang pamumuhay. Kapag nagsumikap nga naman sa pag-aaral ay tiyak na magkakaroon ng maayos na trabaho. Kaya naman, ganun na lamang ang pagsusumikap ng mga kabataan na makapagtapos sa pag-aaral upang makatulong sa pamilya at mabago ang buhay.




Katulad na lamang nga ng teen singer na si Lyca Gairanod na bagamat nagwagi sa kauna-unahang season ng The Voice Kids Philippines noong 2014, ay mas pinili pa ring ipagpatuloy ang pag-aaral na kung saan ay nasa grade eight na siya ngayon. At ang desisyong ipagpatuloy ang pag-aaral kaysa pagtuunan ng pansin ang karera, na naging dahilan ng mabagal na pag-usad ng tagumpay, ay hindi pinagsisihan ni Lyca.

Photo credits: google.com

Nang makapanayam ang teen singer matapos pumirma ng exclusive contract sa Viva Artists Agency, ay ito ang ibinahagi ni Lyca.

“Unang-una po, hindi po ako nanghihinayang. Basta po ano… nakapag-aral po ako. Parang yon na rin po yung… hindi ko rin po alam na mas okey po pala yung ganun. It’s better po na nakapag-aral po ako kasi mas ready po ako ngayon na magtrabaho and mag-showbiz. Ready na po ako sa ngayon kasi mas nauna ko na po yung pag-aaral ko.”

Photo credits: lyca gairanod | Instagram

At ngayong nakapag-aral na siya, ay inilahad ni Lyca na handa na siyang harapin naman ang kanyang karera. Pagbabahagi naman ng teen singer, ang buhay sa showbiz ay hindi pang matagalan kung kaya’t mas inuna niya ang pag-aaral at wala siyang pinanghihinayangan dito.

“Di po kasi natin masasabi kung magtatagal tayo sa showbiz, eh, kaya inayos ko po muna yung pag-aaral ko. Wala naman po akong panghihinayang na ano… kasi ready naman po akong bumalik.”

Photo credits: lyca gairanod | Instagram

Samantala, ang mga kasabayan ni Lyca na sina Darren Espanto at JK Labajo ay patuloy ang pag-usbong ng karera. Kaya naman, binigyang-diin ni Lyca na hindi siya naiinggit kung malayo na ang narating ng mga ito, samantalang siya ay magsisimula pa lang. Ito nga ay dahil may inuna niya talaga ang pag-aaral. Nilinaw naman ni Lyca, na mahalaga rin sa kanya ang karera dahil ito ang bumubuhay sa kanila.




Photo credits: lyca gairanod | Instagram

“Hindi naman po, wala naman po. Wala naman po kasi pina-ano rin naman po ako (ng ABS-CBN). Pinapili nila kung ano po yung gusto ko—kung mag-aaral daw po muna ako.”
“Sabi ko po, mag-aaral po muna ako kasi alam naman po natin na hindi pang matagalan career. So siyempre, pag-aaral po, napaka-importante, pero napaka-importante rin po sa akin ng career kasi yung career na po to yung bumubuhay sa pamilya ko.”

Photo credits: lyca gairanod | Instagram

Samantala, ibinahagi naman ng 16 taong gulang na singer, na wala pa siyang panahon ngayon para sa love life dahil ang mas prayoridad umano niya ang karera at pag-aaral.

“Pero for me po, siguro hindi po muna, kasi hindi pa po ito yung the right time. Kasi may mga panahon po tayo diyan, eh. May panahon po tayo na kung kailan dapat. May mga panahon tayo diyan sa mga bagay-bagay na yan.”

“Mas uunahin ko muna yung career at yung pag-aaral ko. Yon muna ang mas magiging priority ko kasi yung love life nandiyan lang naman yan.”

error: Content is protected !!