Connect with us

Entertainment

Lyca Gairanod, Ibinahagi Ang Dahilan Kung Bakit Ibinenta Ang Napanalunang Bahay Sa The Voice Kids At Nagpasyang Bumalik Sa Dati Nilang Bahay

Sa kanyang taglay na husay at talento sa pag-awit, ay hindi na nakapagtataka kung siya ang itinanghal na Grandwinner sa kauna-unahang season ng The Voice Kids. Si Lyca Gairanod ay tinupad ang pangarap ng kanyang pamilya, at naiahon sa kahirapan nang siya’y manalo.

Credits: Karen Davila | YT

Maliban sa perang napanalunan, ay nakatangg ap rin si Lyca ng isang bago at napakagandang bahay sa loob ng isang eklusibong subdivision. Hindi na lingid sa kaalaman ng marami na nagmula sa mahirap na pamilya si Lyca, kung saan nga ang nagsisilbing hanapbuhay ng kanyang pamilya ang pangongolekta ng kalakal. Kaya naman, isang napakagandang pagkakataon ang ibinigay kay Lyca matapos magwagi sa kompetisyon para mabago ang kanyang buhay at matupad ang kanyang mga pangarap para sa kanyang pamilya.

Ngunit, ikinagulat ng marami nang malaman sa isang panayam ng ABS-CBN broadcast journalist na si Karen Davila kay Lyca na ang bahay na napanalunan sa kompestiyon, ay napagpasyahan niyang ibenta. Sa nasabing panayam ay ibinahagi ni Lyca ang dahilan kung bakit niya ibinenta ang bahay na kanyang napanalunan sa The Voice Kids.

Pagbubunyag nga ni Lyca, ay kinailangan ng kanilang pamilya na bumalik sa dati nilang bahay sa Tanza, Cavite. Ito nga ay dahil ang kanyang lola ay madalas na bumalik sa dati nilang bahay. Bagama’t nakatira na nga sila sa maganda at maayos na bahay, ay hinahanap-hanap parin nito ang luma nilang bahay. At dahil nga, malayo ang bagong bahay sa luma nilang tirahan, ay nagpasya na lang si Lyca na ibenta ang napanalunang bahay at bumalik sa dati nilang tirahan.

“Marami rin pong memories sa napanalunang bahay. Pero para kay lola, gusto niya kami makasama kaso malayo po kami. Dinala namin siya doon (new house) pero umuwi. Ayaw niya po talaga doon.”

Credits: Karen Davila | YT

Pagbabahagi pa ni Lyca, ay nagpasya rin siyang bilhin na lang ang inuupahan nilang bahay noon, at tuluyan na ngang manirahan dito kasama ang kanyang pamilya at lola. Pag-amin pa ng young singer, ay hindi niya nakikita ang kanyang sarili sa ibang lugar, kundi sa kanilang lumang bahay lamang.

“Nandito kaluluwa ko. Pilit niya kong binabalik,”saad ni Lyca.

Sa nasabing vlog rin ay napag-usapan ang pagkumkumpara ng narating sa karera ni Lyca sa kasamahan niyang singer na si Darren Espanto matapos ang kanilang journey sa The Voice Kids. At ayon nga kay Lyca, anuman ang tagumpay na tinatamasa ngayon ni Darren ay hindi siya ito kinaiinggitan bagkus nga ay proud pa siya sa narating nito.

“Proud po ako kay Kuya Darren kung ano yung nararating niya,”pahayag ni Lyca.

Credits: Karen Davila | YT

Masaya rin ang young singer na may isang tulad ni Darren na pinapahalagahan ang kanyang narating at hindi rin siya pinapabayaan.

“Sobrang saya ko po kasi pinapahalagahan ni Kuya Darren kung ano meron ako. Deserving kaming lahat. Thankful ako si Kuya Darren ‘di ako pinabayaan.”

error: Content is protected !!