Connect with us

Entertainment

Lyca Gairanod, Enjoy na Enjoy sa Pamamasyal at Road Trip Kasama ang kanyang Pamilya Gamit ang Bagong Biling Sasakyan

Pangarap ang naging puhunan ng batang singer na si Lyca Gairanod upang mabago ang buhay ng kanyang pamilya. At dahil nga sa kanyang husay at galing sa pag-awit, ang kanyang pangarap ay natupad nang magwagi sa The Voice Kids Season 1.

Magmula ng magwagi ay talagang napakalaki ng nabago sa kanyang buhay. Bukod naman sa pagiging isang mahusay na singer, ay isa na rin siyang vlogger. Sa kanyang sariling Youtube channel mapapanood ang kanyang mga nakakatuwang video. Ito na rin ang paraan ni Lyca upang maghatid ng update sa kanyang mga tagahanga sa mga kaganapan sa buhay niya lalo na ngayong panahon ng pandemya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lyca (@lycagairanod.1)

Hindi naman maikakaila na marami ang taong humahanga at nakasuporta kay Lyca. Kitang-kita naman ito sa dami ng kanyang subscribers na umabot na ng 1.3 Million. Malaki na rin ang kinikita ni Lyca sa pagiging isang vlogger. Sa katunayan nga nito sa edad na 16 taong gulang ay nakapagpundar siya ng sarili niyang sasakyan na masasabing katas ng kanyang pagiging isang Youtuber.

Noong nakaraang buwan lamang nang mapabalita ang pagbili ni Lyca ng bagong sasakyan. At hindi naman talaga maitatanggi kung gaano siya kasaya sa nakamit niyang tagumpay hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para na rin sa kanyang pamilya.

Photo credits: Lyca Gairanod | IG

At dahil nga, may bagong sasakyan na, ay talagang sinusulit ni Lyca at ng kanyang pamilya na makapagbonding ng magkakasama. Kaya naman, sa kanyang vlog noong ika-28 ng Marso 2021, na mapapanood sa kanyang Youtube channel ay isang masayang family bonding ang naganap.

Photo credits: Lyca Gairanod | IG

Photo credits: Lyca Gairanod | IG

Gamit ang bagong biling sasakyan ay isang masayang mapapasyal at road trip ang ginawa ni Lyca kasama ang kanyang pamilya kung saan nagtungo sila sa Kaybiang tunnel. Makikita naman na masayang-masaya si Lyca at ang kanyang pamilya sa kanilang pamamasyal. At siyempre, ang napakasimpleng si Lyca ay umiral naman ang pagiging masayahin at palabiro. Ang kanyang matamis na ngiti at malakas na tawa nga, ay talagang makikita kung gaano siya kasaya.

Photo credits: Lyca Gairanod | IG

Photo credits: Lyca Gairanod | IG

Sa kabila naman ng nakamit na tagumpay ni Lyca, ay nananatili parin ang kanyang pagiging simple at pagiging mapagkumbaba. Hindi nga nakakalimot si Lyca sa buhay na kanyang pinagmulan at hanggang ngayon, ang napakabuting puso ay taglay niya parin.

Photo credits: Lyca Gairanod | IG

Malaki man ang nabago sa kanyang buhay, at ganap na ring isang dalaga ngayon, ang Lyca na nakilala ng lahat ay siya paring Lyca na mapagmahal sa kanyang pamilya. Patuloy rin ang pag-abot ni Lyca sa kanyang mga pangarap para sa kanyang pamilya na talaga namang mahal na mahal niya.

error: Content is protected !!