Ang 18th Birthday or debut ay isa sa mga pinakaimportanteng kaganapan para sa sa karamihan ng kababaihan. Ito ay isang kabanata para sa mga kababaihan upang pormal na siyang tanggapin ng lipunan bilang isang ganap na dalaga.
Ngunit para sa ilan ang magarbong selebrasyon ng pagkakaroon ng maraming handa, magarang kasuotan, magandang venue at maraming mga bisita ay nananatiling isang pangarap lamang na hindi kayang maatim.
Maraming mga magulang ang hindi kayang iparanas ang isang magarbong selebrasyong ito sa kanilang mga anak kaya ganun na lamang ang kanilang pagkakadismaya kapag hindi nila ito maibigay sa kanila.
Kaya naman nang mabigyan ng pagkakataon ang isang ama para mabigyan ng isang debut party ang kanyang anak ay agad naman niya itong sinunggab.
Isang butihing ama na nagngangalang Bonito Lamdag na isa ring sundalo ay nagkaroon ng pagkakataong makasali sa isang Kapamilya show na I can See Your Voice kung saan si Luiz Manzano ay isang host.
Ngunit sa kasamaang palad ay hindi nagtagumpay ang ama na mapalanunan ang grand prize noong araw na iyon na ilalaan niya sana sa panggastos sa debut ng kanyang anak.
Ngunit sa kagandahang loob ni Luiz Manzano, ay minabuti nitong magbigay ng kaunting tulong mula sa kanyang sariling bulsa upang maidaos nito ang debut ng anak.
Sa isang espesyal na episode bilang paggunita sa birthday celebration ng host na si Luiz, siya ay sinorpresa ng lahat ng mga contestants na nabigayn niya ng tulong sa show.
Ngunit tila hindi lahat ay nakuntento sa tulong na ibinigay ni Luis para sa kanila. Isa na dito ay ang isang Twitter user na si @iamhiselle na anak ng sundalong binigyan ng tulong ni Luiz para sa kanyang debut.
Inilabas niya sa social media ang pagkadismaya sa maliit lamang na halaga na binigay ni Luiz para sa kanyang debut. Basahin ang kanyang mga tweets sa ibaba:
Ang kanyang mga pahayag ay nagviral online kung saan ay umabot rin sa atensyon ng host na si Luiz.
Ipinaliwanag ni Luis na noong kanyang tanungin si Sgt Lamdag ay binanggit nitong simpleng birthday celebration lamang ang gusto nila para sa debut.
Sa pagkakaintindi ng katagang “simple” nagbigay si Luis ng Php10,000.00 kay Stg Lamdag bilang tulong sa panggastos sa selebrasyon ng debut ng kanyang anak.
Hindi rin nagustuan ng mga netizen ang naging pahayag ng debutante kay Luis kaya inulan siya ng batikos dahil dito.
Sa kabilang banda, hinikayat ni Luis Manzano ang mga netizens na tigilan na ang pangbabash sa nasabing dalaga dahil di umano ay humingi na ito ng tawad kay Luis at naayos na nila ang gusot na ito.
Napagbayaran narin ng dalaga ang kanyang pagkakamali. Ang maganda dito ay natuto siya ng leksyon at humingi ng tawad.
Maging halimbawa sana ito para sa atin na maging kuntento nalang at magpasalamat sa lahat ng biyaya na ibinibigay sa atin. Anumang tulong maliit o malaki ay dapat nating ipagpasalamat.
Ano ang masasabi ninyo sa istorya? Ishare at magcomment!