Connect with us

Entertainment

Luis Manzano, May Nakakatuwang Reaksyon Sa Relasyon Ng Kanyang Amang Si Edu Manzano at Nobya Nitong Si Cherry Pie Picache

Kamakailan lamang, ay napuno ng kilig ang mga netizens matapos ilantad ng aktor na si Edu Manzano ang kanilang relasyon ng aktres na si Cherry Pie Picache. Pinatunayan nga ng dalawa na sa kabila ng kanilang mga edad, ay hindi parin mawawala ang kanilang kilig at wagas na pagmamahal sa isa’t isa.

Masisilayan nga sa mga larawang ibinahagi ng lovely couple sa kanilang social media account, ang kanilang kasweetan at tila natagpuan na nga nila ang kaligayahan sa piling ng isa’t isa.

Photo credits: google.com

Napapag-usapan nga ngayon ang relasyon nina Edu at Cherry Pie sa online world, kaya naman hindi nagpahuli ang anak ng aktor na si Luis Manzano na magbigay ng kanyang reaksyon patungkol sa relasyon ng dalawa. Sa isang panayam kay Luis kay G3 San Diego kasama ang kanyang maybahay na si Jessy Mendiola, ay ibinahagi ni Luis ang kanyang reaksyon sa relasyon ng kanyang ama at Tita Pie.

Photo credits: google.com

Tila nga kilig na kilig rin si Luis sa relasyon ng kanyang ama at ng nobya nitong si Cherry Pie, dahil isang nakakatuwang kasagutan ang kanyang naging tugon. Ayon nga kay Luis, ay maaari raw na maipangtapat sa tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang pag-iibigan ng kanyang amang si Edu at ni Cherrt Pie.

At kapag nga sinabing KathNiel ay talaga namang nag-uumapaw sa kilig at pagmamahalan ang relasyon ng reel to real life couple.

“Feeling ko nga eh kung nagkataon lang na let’s say by next year, kunwari lang, we’re hoping and praying na maibalik and prangkisa ng ABS, feeling ko baka si daddy saka si Tita Pie baka itapat sa KathNiel,”pahayag ni Luis.

Photo credits: google.com

Samantala, hindi naman maitago ni Luis kung gaano siya kasaya para sa kanyang ama. At ngayon nga, ay nakikita ni Luis na masayang-masaya ang kanyang ama sa piling ng nobya nito.

Dahil nga, nakasama na rin ni Luis sa ilang proyekto ang nobya ng kanyang ama na si Cherry Pie, ay hindi naman maiwasan ng mahusay na aktor ang alalahanin ang kabaitan ng batikang aktres nang makatrabaho niya ito sa seryeng Kampanerang Kuba.

Photo credits: google.com

Maliban dito, ay naikwento rin ni Luis sa nasabing panayam kung paano niya nalaman ang tunay na ugnayan ng kanyang ama at ni Cherry Pie. Aniya, ay isang kaibigan niya ang nag-send sa kanya ng larawan kung saan magkasama nito ang dalawa sa isang date night. At dito nga ay nalaman ni Luis na masaya ang puso ng kanyang ama sa piling ng nobya nito.

“I think a friend of mine took a picture with them and he sent me a picture. He was with Daddy and Tita Pie. Date night yata sila. So I sent the picture back to Daddy. I said, ‘Uy daddy, happy boy ka.’ Sabi niya, ‘Yes anak, happy’”.

error: Content is protected !!