Connect with us

Entertainment

Luis Manzano, Kinagiliwan ng Madla Matapos Magsilbing Zumba Instructor ng Kanyang Ina na si Vilma Santos

Pinasaya ng aktor at TV host na si Luis Manzano ang kanyang mga tagasubaybay sa kanyang latest vlog na mapapanood sa kanyang YouTube Channel. Ito nga ay matapos magsilbing Zumba instructor si Luis ng kanyang inang si Cong. Vilma Santos Recto kasama ang mga kaklase nito sa Zumba.

Credit: Luis Manzano | Youtube 

Sa latest vlog ni Luis nito lamang ika-10 ng Agosto, ay hindi lamang nga pag-eehersisyo para maging malakas ang katawan ang hatid ng TV host, dahil naghatid rin siya ng saya bagay rin na malaki ang naitutulong sa katawan.

Sa unang bahagi ng video, ay bumungad si Ate Vi kasama ang mga kaklase nito sa Zumba kung saan makikitang abala sa kanilang pagsu-zumba. Bungad pa ni Ate Vi, ay isa sa kanyang pinagkakaabalahan ay ang pagsu-zumba. At sa araw na ito, ay may ipinadala umanong Zumba instructor ang kanyang anak na si Luis para magturo sa kanila. Ayon naman kay Ate Vi, ay tiyak na mahusay raw ang ipinadala ng kanyang anak para marami silang matutunan.

Credit: Luis Manzano | Youtube 

At maya-maya nga ay biglang dumating ang inaakala nilang Zumba instructor, ngunit ang nasabing tao pala ay si Luis na nakasuot pa ng pang-Zumba na outfit at may dala ring tubig at yoga mat. Hindi naman mapigilan ni Ate Vi ang kanyang pagtawa nang makita ang anak sa suot nito. Hirit naman ni Luis, kaya niya ginagawa ito dahil gipit siya at wala siyang natatanggap na ayuda mula sa kanyang ina.

“Gusto kong sabihin, kaya ko pinasok ‘to dahil gipit ako. Wala kang inaabot lately. Wala kang inaabot, nasanay ako na may konting paayuda. Ngayon, nganga.”

Game na game nga na nakipagkulitan si Luis sa kanyang ina at sa mga kaklase nito. Habang nagtuturo si Luis ng steps para sa kanilang Zumba ay napuno nga ito ng tawanan dahil na rin sa mga nakakatawang steps na ipinapagawa ng aktor.

Credit: Luis Manzano | Youtube 

Ilan nga sa mga nakakatawang steps na itinuro ni Luis ay “open-open, offer-offer”, “the shake”, “lick it”, at ang kanyang signature “gwapo” dance moves. Sa bawat steps naman ay inisa-isa pa ni Luis ang mga kaklase ng kanyang ina kung tama ba ang mga ginagawa nito, o kung nakakasunod.

Kapansin-pansin naman ang husay ng ina ni Luis na si Ate Vi sa pagsayaw sa kabila ng edad nito ngayon kung saan nga ay bigay todo rin. Matapos nga mabuo ang mga steps ay sinayaw na nila ang kanyang bagong awitin na “How 2 BU (Ang Gwapo Ko).”

Credit: Luis Manzano | Youtube 

Nang matapos nga, ay masayang-masaya ang grupo dahil kahit raw papano ay nakapag-ehersisyo sila. Sa huli ay hinikayat naman ni Ate Vi, ang mga manonood na suportahan ang vlog ng kanyang anak para dumami ang subscribers at magkaroon umano ito ng kita.

Samantala, nakatanggap naman ng positibong komento mula sa mga netizens ang mag-inang Luis at Vilma kung saan nga ay masayang makita na magkasama sila sa vlog.

“You should always have your mom included sa mga vlogs mo. Very positive ang vibes niyong dalawa.”

Credit: Luis Manzano | Youtube 

“Dancer talaga si Vilma, dali niyang nakuha ang steps. Grabe kayong mag-ina, sumakit ang tiyan ko sa kakatawa. Salamat sa pagpapasaya sa amin ngayong pandemic.”

Si Luis ay nag-iisang anak ni Ate Vi sa kanyang dating asawa na si Edu Manzano.

error: Content is protected !!