Connect with us

Stories

Luis Manzano, Inamin na Hindi siya Nabigyan ng Normal na Buhay ng Inang si Vilma Santos noong Kabataan Niya

Ang kasikatang tinatamasa ng isang sikat at kilalang artista sa industriya ng showbiz ay may mga bagay na kapalit. Isa na nga rito ang kawalan ng kalayaan at pagkakaroon ng pribadong buhay. Kalayaan na makasama ang pamilya sa mga pampublikong lugar at kawalan ng pribadong pamumuhay dahil lahat ng mata ay nakatuon sayo bilang artista.




Kaya naman, ang pag-aartista ay hindi rin madali dahil hindi nila nagagawa ang mga normal na bagay, hindi rin nila na-ienjoy at nabibigyan ng oras ang kanilang sarili at kanilang pamilya. Isa nga sa apektado kapag may magulang na superstar ay ang mga anak dahil hindi nila mabibigyan ng normal na buhay bilang isang bata tulad mg pamamamasyal sa mga pampublikong lugar.

Photo credits: google.com

Isa nga sa mga batang may superstar na magulang at hindi naranasan ang “normal life” bilang isang bata ay ang aktor at TV host na si Luis Manzano. Bilang anak ng superstar na tulad ng Star for all season na si Vilma Santos, ay imposible na walang isa man ang makakapansin kapag pumunta silang mag-ina sa pampublikong lugar.

Photo credits: google.com  

Sa latest vlog nga ng kasintahan ni Luis na si Jessy Mendiola na “Heart-To-Heart Talk with the Howhows”, ibinunyag ni Luis na may ginawa ang kanyang ina upang mabigyan siya ng oras at magkaroon ng bonding moments sa pampublikong lugar. Ngunit, hindi naging madali ang lahat dahil nga sa pagiging sikat ng kanyang ina.

Photo credits: google.com

Sa vlog nga, tinanong ni Jessy si Luis kung maliban sa kanya ay sinong babae ang nais nitong maka-dinner date. Hindi naman nagdalawang isip at agad sumagot si Luis, at sinabi na ang kanyang Mommy ang nais niyang makadate.




Samantala, upang maliwanagan si Jessy at kanilang mga tagahanga, ipinaliwanag naman ni Luis kung bakit ang kanyang ina ang nais niyang makasama sa isang dinner date. Ito nga, ay dahil umano hindi niya naranasan ang “normal life” na ginagawa ng magulang at anak katulad na lamang ng pamamasyal sa mall nang magkasama at inienjoy ang bawat sandali. Kaya naman, wala silang quality time na matatawag noong bata pa siya.

“From my heart, mommy ko. Seryoso. Kasi ‘yun ‘yung ibang bagay na hindi namin nagawa ng ermat ko — have something na parang quality time. Kasi alam ng lahat na ‘yung mommy ko is a superstar. So marami kaming hindi nagawa na bagay,”

pahayag ni Luis.

Photo credits: google.com

Ibinahagi naman ni Luis ang kwento kung anong ginawa ng kanyang ina upang bigyan siya ng “normal life”. Noong 6 o 7 taong gulang umano siya, ay sinubukan siyang dalhin ng Star for all season sa supermarket. Ngunit, nakakatatlong hakbang pa lamang sila sa loob ay agad na nakilala ang kanyang ina kaya naman sumugod na agad ang mga tao patungo sa kinaroroonan nila na tila isang mall show. At sa huli nga, ay bumalik na lang sila ng kotse at umuwi. Kaya, wala umano silang nagawa.

“Yung isang beses nga nag-grocery kami ni Mommy. Ito ‘yung attempt ni Mommy na bigyan ako ng isang normal life. Nung bata ako, dinala niya ako sa grocery. Siguro mga six ako nito or seven years old para ma-experience na ‘yung mommy kasama ‘yung anak ‘di ba grocery?”




“Pagtapak pa lang namin — siguro mga tatlong tapak palang — parang mall show. Hindi na kami naka-forward. Pagpasok pa lang sa grocery, nakilala nila mommy ko. Tapos derecho dinala ako ni Mommy sa kotse tapos uwi na kami. So basically wala kami nagawa.”

Photo credits: google.com

Dahil nga sa pagiging superstar ng ina niyang si Vilma, ay hindi man lang niya nakasama ang ina tulad ng magkasamang maglakad sa mall.

“So may mga bagay kaming hindi nagawa. ‘Yung maglakad-lakad sa mall kasama ang magulang? Wala kaming ganun. So isang quiet night siguro with my mom and Ryan.”

error: Content is protected !!