Connect with us

Entertainment

Lucy Torres Gomez, Ipinasilip ang Kanyang Hilig Na Pag-aayos ng Mga Bulaklak sa Flower Vase

Sa hindi inaasahang pagdating ng pandemya sa bansa ay marami sa atin ang nakaisip ng paraan para malibang at maibsan ang pagkabagot habang nananatili sa loob ng bahay. At isa nga rito ang paghahalaman, kaya naman marami ang naging certified plantito at plantita kung saan nga ay hilig ang pangongolekta at pag-aalaga ng mga halaman.

Credit: Lucy Torres | Instagram

Kasabay naman ng nararanasang pandemya, ay mas lalo namang naging abala ang mga nanunungkulan sa ating bayan para magbigay serbisyo sa kanilang nasasakupan. Katulad na lamang nga ng nakaupong Congresswoman ng 4th District ng Leyte na si Lucy Torres-Gomez. Tulad rin ni Lucy, ay abala rin ang kanyang asawang si Richard Gomez sa pamamahala at pagbibigay serbisyo sa mga mamamayan ng Ormoc City. Ngunit, sa kabila ng kanilang pagiging abala, ay hindi naman maikakaila na naeenjoy ng mag-asawa ang masaya at tahimik na buhay sa probinsiya.

Credit: Lucy Torres | Instagram

At ngayong panahon ng pandemya, ay nadiskubre ng mag-asawa ang iba pang bagay na magbibigay ng kasiyahan sa kanila. Ang Mayor ng Ormoc City na si Richard, ay ipinamalas ang husay sa pagluluto sa kanyang mga tagahanga at manonood sa kanyang online cooking show na “Goma At Home”.

Samantalang si Lucy ay naging abala rin sa mga gawaing bahay, maliban sa pananahi ng punda at unan, ay minsan na ring ibinahagi ni Lucy sa kanyang Instagram ang pag-aayos at pagpapaganda ng kanilang kwarto. Maging ang paggawa ng sariling bahay para sa kanilang mga alagang hayop, ay ipinasilip rin ni Lucy.

Credit: Lucy Torres | Youtube

Ngunit, hindi lamang ito ang pinagkakaabalahan ni Lucy, dahil sa kanyang vlog na mapapanood sa kanyang Youtube channel na “Love Lucy” ay marami ang humanga sa magandang Congresswoman, matapos nitong ibahagi ang pag-aayos ng mga bulaklak sa flower vase. Hindi maikakaila na malaki ang pagkahilig ni Lucy sa mga bulaklak, kaya naman ang binili niyang bulaklak, ay siya na rin mismo ang nag-ayos sa flowers vase.

Ayon nga kay Lucy, magmula ng lockdown ay nakahiligan na niya ang mamili ng bulaklak para ayusin at ilagay sa flower vase. Dagdag pa niya, ay nakakadagdag ito ng saya sa taong nakatira sa bahay.

Credit: Lucy Torres | Instagram

“I always like fresh flowers around the house, and since the lockdown last year it has been a habit to buy flowers weekly. I think it adds everyone’s daily joy.”

Kahit nga anumang okasyon ay hindi nawawalan ng bulaklak si Lucy at ang natanggap na bulaklak ay masaya niyang inaayos sa kanyang flower vase para magsilbing dekorasyon sa loob ng kanilang bahay.

“I really like untangling bouquet and if I get nga, I don’t take it for granted like sometimes, birthday you have so many flowers, I love it.”

Credit: Lucy Torres | Instagram

Dahil nga dito, ay hindi siya nauubusan ng vase para paglagyan ng makukulay na bulaklak. At masaya si Lucy na makitang maraming bulaklak sa loob ng kanilang bahay. Kahit nga maikling panahon lamang ang itinatagal ng mga bulaklak, ay kakaibang saya naman ang hatid nito sa mga taong nakakakita sa taglay nitong ganda.

“Because then, I just have more vases around the house, more flowers around the house, it’s such a happy thing. Doesn’t last forever, but while it’s there, its nakaka-happy.”

error: Content is protected !!