Connect with us

Entertainment

Lucy at Richard Gomez, Ipinagdiwang ang Kanilang 22nd Wedding Anniversary sa Pamamagitan ng Pagtanim ng mga Puno

Published

on

Ang pag-aasawa ay hindi isang panandaliang relasyon bagkus ito’y isang sagradong relasyon na hangad ang pang habang-buhay na pagsasama at pagmamahalan. Kaya naman kung papasokin ang buhay may asawa, kinakailangang maging handa ang dalawang nag-iibigan sa anumang hamon ng buhay na kahaharapin upang mapanatiling matatag at wagas ang pagmamahalan na tatagal ng pang habang-buhay.




Isa nga sa mga hinahangaang mag-asawa sa industriya ng showbiz sina Richard Gomez at Lucy Torres na kung saan ay pinatatag at hinubog na ng panahon ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. At ngayon nga ay masaya nilang ipinagdiriwang ang kanilang ika-22nd Wedding Anniversary. Ngunit, sa halip na magkaroon ng magarbong handaan, ay mas pinili ng mag-asawa na ipagdiwang na lamang ang kanilang anibersaryo sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno na simbolo umano ng kanilang wagas na pagmamahalan.

Sa Instagram ng Mayor ng Ormoc City na si Richard, ibinahagi niya ang kanilang isinagawang tree planting kasama ang kanilang anak na si Juliana. Bagama’t simple ang pagdiriwang nilang ito, punong-puno naman ito ng kabuluhan dahil ang tanim niyang puno ay sumisimbolo ng kanyang pagmamahal sa asawang si Lucy.

Ayon kay Richard, ang puno ng Dita na kanilang itinanim ay kanyang “evergreen” na simbolo ng wagas niyang pagmamahal kay Lucy. Maliban rito, nagpasalamat rin siya sa kanyang maybahay sa pagiging tanglaw sa kanyang buhay at kanilang pamilya.




“Today, we marked our 22nd anniversary by planting a beautiful Dita tree. It is an evergreen, just like my love for you Lucy. Thank you for being my guiding light,” pahayag ni Richard sa kanyang post na kinakiligan naman ng maraming netizens.

Samantala, kakaiba naman ang naging surpresa ni Lucy sa kanyang asawa. Sa kanyang Instagram ay nagpost siya ng video clip na naglalaman ng naging kasal nila ni Richard noon na napanood sa ABS-CBN. Ipinahayag rin ni Lucy ang napaka-sweet na mensahe para kay Richard.

Ayon kay Lucy, ang dala umano ni Richard sa kanila ng kanyang anak ay ilaw na naghahatid ng liwanag sa kanilang pamilya. Ipinahayag rin niya ang kanyang pagmamahal sa asawa, na sa tuwing kasama niya ito ay tila lahat ng nagaganap sa kanilang buhay ay masasaya at magaganda.




“I watch this clip from our wedding and always, it is a beautiful walk down that time in our l0ve story. Thank you for 22, my Richard. You enter a room and you just bring the sunshine in. With you, everything is just better. Know that you are my love song, every bit of that magic I ever believed in,” post ni Lucy.

Panoorin ang nakakaantig na video clip sa naganap na kasal nina Richard at Lucy, na ibinahagi ni Lucy sa kanyang Instagram.

View this post on Instagram

I watch this clip from our wedding and always, it is a beautiful walk down that time in our love story. Thank you for 22, my @richardgomezinstagram. You enter a room and you just bring the sunshine in. With you, everything is just better. Know that you are my love song, every bit of that magic I ever believed in. Backstory of this video: Some years back I realized I had all these raw files from our wedding festivities, as covered by ABS-CBN back then. Around that time also I had just met Jason Magbanua whose work we featured in The Sweet Life, a show I was hosting then with Wilma Doesnt and Iza Calzado. I so loved his work, and on a whim asked if he could put something together in a fresh video that I could give Richard as an anniversary present. Thank you for this, Jason, this is precious.

A post shared by Lucy Torres Gomez (@lucytgomez) on

error: Content is protected !!