Connect with us

Entertainment

Lovely Abella, Naging Emosyunal Matapos Balikan Ang Kanilang Pinagdaanan Bago Tuluyang Maabot Ang Tagumpay Sa Pagnenegosyo

Isa na nga ngayong matagumpay na negosyante ang dancer, TV host at komedyanteng si Lovely Abella. Ang dating mahusay na dancer na si Lovely sa programa ni Kuya Wil, ngayon nga ay pinapatunayan ang kakayahan sa paghawak ng negosyo .

CREDITS: Lovely Abella| IG

Maituturing nga na isang inspirasyon si Lovely sa mga taong nais magtayo ng negosyo. Pinatunayan ni Lovely na mahirap man nga magsimula sa negosyo, ay nagawa niyang maging matagumpay dahil sa kanyang sipag at tiyaga. Katuwang naman ni Lovely sa pagpapalago ng kanyang negosyo ang kanyang mister na si Benj Manalo.

CREDITS: Lovely Abella| IG

Ngayon nga ay hindi lamang isa, kundi mahigit sa tatlo na ang negosyong magkatulong na pinapalago ng mag-asawa. Ngayon nga ay may sarili na siyang negosyo katulad na lamang ng kanyang sariling comestic at coffee brand. Maliban dito ay kumikita rin si Lovely sa kanyang pagla-live selling kung saan ay nagbebenta siya sa Facebook ng mga alahas at luxury bags.

CREDITS: Lovely Abella| IG

Hindi man madali ang pinagdaanan ng mag-asawa sa pagtaguyod ng kanilang negosyo, ay kitang-kita naman ang bunga ng kanilang sipag at tiyaga. Nito lamang ika-31 ng Enero, ay naging emosyunal ang komedyana matapos niyang balikan ang hirap at pagod nilang mag-asawa para maitaguyod ang kanilang negosyo.

CREDITS: Lovely Abella| IG

“Humble beginnings nagsimula sa 1, naging 2, naging 3 hanggang sa dumami na. Ginamit namin ang unang napundar namin ng asawa ko benj na bahay ginawang stockroom at office, pero sadyang napakabuti mo LORD.”

“Di na naman kami kasya knowing na SOLD OUT ang mga stocks namin kailangan na ng mas MALAKI na warehouse para mas madami ang mabibigyan namin ng WORK.”

CREDITS: Lovely Abella| IG

Labis nga ang pasasalamat ni Lovely sa Diyos dahil sa narating nilang tagumpay sa pagnenegosyo. Binati rin ni Lovely ang kanyang team na talagang napakasipag, at binibigay ang abot ng kanilang makakaya para gampanan ang kanilang trabaho.

CREDITS: Lovely Abella| IG

“I know kung ano ang purpose namin sa mundo and don’t worry Lord pangako magiging Daan mo kami. Congrats team seven long table.. Laban.”

Si Lovely Abella ay unang nakilala bilang dancer sa programa ni Willie Revillame sa GMA Network. At magmula nga ng makilala ay tuluyan na nga niyang pinasok ang mundo ng showbiz bilang mahusay na aktres at komedyante.

CREDITS: Lovely Abella |IG

Noong nakaraang Enero 2021 naman ay ikinasal si Lovely sa anak ni Jose Manalo na si Bej Manalo, sa isang garden wedding ceremony na ginanap sa Lemuria Gourmet Restaurant sa Quezon City. Napakapalad naman ni Lovely sa kanyang mister na si Benj na bukod sa isang mapagmahal na asawa, ay kaagapay rin niya ito kung saan nga ay hindi nagsasawang sumuporta sa kanilang mga pangarap.

error: Content is protected !!