Connect with us

Entertainment

Love Nest Ng Dating Magkasintahan na Sina James Reid at Nadine Lustre, Hindi Pa Naibebenta Ni James

Marami ang nalungkot nang mapabalita ang paghihiwalay ng “reel to real life couple” na sina James Reid at Nadine Lustre. Kasabay ng kanilang paghihiwalay, ay ang pag-alis rin ni Nadine sa bahay ng aktor, kung saan nga ay lumipat sa isang condo sa Makati.

Ang bahay na pagmamay-ari ng aktor na nagsilbing “love nest” nila sa loob ng mahabang panahon nang sila’y magkarelasyon, ay ibinenta ni James kasabay ng kanilang paghihiwalay. Ngunit, isa’t kalahating taon na nga ang nakakaraan ay wala paring bumibili sa bahay na ito ni James.

Photo credits: google.com

At kamakailan lamang nga, ay muling nagbigay ng update si James sa bahay na dating “love nest” nila ng kanyang dating nobya. Sa Instagram, ay makikitang ibinibenta parin ni James ang nasabing bahay. Ibinahagi ni James sa kanyang IG post ang mga litrato ng kanyang bahay Loyola Grand Villas sa Katipunan. Sa mga larawan ay makikita ang iba’t ibang bahagi ng bahay katulad na lamang ng kitchen, dining area, living room, kwarto, banyo, at swimming pool.

Sa caption naman ng kanyang post, ay nakasaad ang lokasyon, pati narin ang contact number ng kanyang assistant na si Penelope na maaaring tawagan ng mga nais bumili ng kanyang bahay.

“My house is for sale! Loyola Grand Villas, Katipunan. Slide for more pics. Contact my assistant Penelope for more details on +63 927 836 9466.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by James Reid (@james)

Matatandaan na noong Pebrero noong nakaraang taon nang unang ianunsiyo ni James ang pagbebenta ng kanyang bahay. Bagama’t, hindi naman nagbigay ng anumang impormasyon si James sa halaga ng nasabing bahay, marami naman sa kanyang mga tagahanga ang nagsasabing aabot ng P80 milyon hanggang P85 milyon ang kabuuang halaga ng napakaganda at napakalaking bahay ng aktor.

Ang bahay na ito ni James ay nabili niya noong taong 2016. Ang napakalaking bahay ay may kabuuang sukat na 1000 square meter. Ito ay may tatlong palapag na bahay na may seven bedrooms, two kitchens, at a six-car garage. Hindi naman talaga biro ang laki at lawak ng bahay ng aktor.

Photo credits: google.com

Makikitang ang living room nito ay sadyang may napakalawak na espasyo lalo na nga’t mayroon itong high ceiling. Ang master’s bedroom rin ay malawak, kung saan ay may sariling toilet at bathroom. Ang swimming pool naman na makikita sa likurang bahagi ng bahay ay may sukat na 25-meter lap. Maaari ring gamitin ang ilang bahagi ng swimming sa ilang gathering katulad ng barbecue party.

Minsan naman nang ibinahagi ni James sa kanyang ads post na ang ibinibentang bahay ay “fully soundproofed recording studio” at “fully equipped gym.”

Bagama’t, hiwalay na ang dating magkasintahan, at ibinibenta na nga ang naging “love nest” ng dalawa, ay hindi parin maiwasan ng kanilang mga fans ang malungkot dahil ang nasabing bahay ay puno ng masasayang alaala nina James at Nadine.

error: Content is protected !!