Connect with us

Entertainment

“Losyang ka na kasi, kaya ka single mom na ngayon”: Jennica Garcia, Sinagot ang mga Nagsasabing Losyang nasiya Kaya Single Mom na Ngayon

Mainit na usap-usapan ngayon sa social media ang hiwalayan ng aktres na si Jennica Garcia at asawa nitong si Alwyn Uytingo. Hindi naman malinaw kung ano ang dahilan ng hiwalayan nilang dalawa, ngunit tiniyak naman ni Jennica na hindi sila naghiwalay dahil sa pera. Nilinaw rin ni Jennica sa isang Instagram post, na anuman ang dahilan kung bakit sila naghiwalay, ay hindi siya magsasalita ng anumang bagay na ikakasama ng ama ng kanyang mga anak.

Photo credits: jennicauytingco | IG

Samantala, matapos namang ianunsiyo ni Jennica ang mapait na sinapit ng relasyon nila ni Alwyn, ay isa namang mensahe ang idinaan ng aktor sa Instagram. Sa nasabing post ay ipinarating nito ang kanyang pagmamahal sa ina ng kanyang mga anak. Ito ang unang pagkakataon na nagbahagi ang aktor ng mensahe para sa kanyang asawa magmula ng lumabas ang isyu ng kanilang hiwalayan.

“Ang dami ko gusto sabihin. Pero hindi kayang ipaliwanag ng mga simpleng salita. Hindi ko ‘to gustong pahabain pa. Ang gusto ko lang malaman mo, at wag na wag mong kakalimutan.. mahal na mahal kita. @jennicauytingco”

Photo credits: jennicauytingco | IG

Tila may nais ring iparating na mensahe si Jennica sa publiko lalo na sa mga nagbibigay ng komento patungkol sa mga kababaihan na losyal na kung kaya’t nauuwi sa pagiging single mother.

Matapos nga ang post ni Alwyn, ay isa namang TikTok video ang ibinahagi ni Jennica sa kanyang Instagram account. Mapapanood sa maikling video, ang ipinaabot na mensahe ni Jennica. Una nga ay sinabi nito ang linya ng mga nagsasabing “losyang ka na kasi, kaya ka single mom ngayon”. Sinamahan rin ng action ni Jennica ang kanyang video, na tila gigil na gigil sa kausap habang nasa harap ng camera. Makikita na hindi nito nagustuhan ang komento ng ilan sa pagiging single mother.

“Losyang ka na kasi, kaya ka single mom na ngayon. Ah, ang tabas ng dila mo ah. Kala mo ginaganto ganto mo lang ako. Pero pag nagmahal naman ako.”

Itinuloy naman ni Jennica ang kanyang mga sasabihin sa pamamagitan ng pag-awit ng sikat na kanta na “Kasama Kang Tumanda”, isang Pinoy version ng awitin ni Adam Sandler na “Grow Old With You”.

“Patatawanin kita pag hindi ka masaya, bubuhatin kita pag nirayuma ka na, oh, kay sarap isipin kasama kang tumanda.”

Matapos ang awitin, ay may pahabol pa si Jennica at sinabi na “Hindi lahat ganun”.

Photo credits: jennicauytingco | IG

Sa huling bahagi ng kanyang Instagram post, ay ibinahagi naman ni Jennica kung saan niya nakuha ang kanyang ideya para sa kanyang Tiktok video. Dagdag pa ng aktres, ay nais niyang palagyan ng hashtag na #ResbakNiMamsh ang sinumang gagamit ng kanyang sound.

“I am so inspired by @RhythmKay on Tiktok. She makes intros and follows them with a song so I made my own version. Keep shining Kay!”

“Mga mamsh, pag ginamit niyo yung sound ko please use the hashtag hashtag #ResbakNiMamsh gusto ko po makita.”

Agad namang nag-viral ang nasabing video ni Jennica, ay maraming netizens ang nagbigay ng kanilang mga komento. Narito ang ilang komento:

“Ang gandang losyang naman niyan!”

“Nasaan ang losyang diyan? Ganda ganda.”

“Losyang daw? Eh napakaganda nga ni Jennica.” “Di ka losyang, gurl. Mukha ka ngang nene. Pag-pray na lang natin sila.”

“Hindi ka naman losyang. Simple ka lang at yung simple na yun ang nagpapaganda sayo.”

error: Content is protected !!