Connect with us

Entertainment

Lorin Gutierrez, Ipinasilip ang Kanyang Simpleng Bedroom na May All White na Disenyo

Ang panganay na anak ni Ruffa Gutierrez sa dati nitong asawa na si Yilmaz Bektas na si Lorin Gutierrez Bektas, ay isa na ngang ganap na dalaga na kamakailan lamang nagdiwang ng kanyang 18th birthday.

Credits: Lorin Gabriella Gutierrez | Instagram

Sa panibagong yugto ng buhay ni Lorin, ay may mga bagong bagay rin siyang sinusubukan. At isa na nga rito ang pagba-vlog na nagsisilbi niyang libangan at paraan na rin niya para makapagbigay kasiyahan sa kanyang mga tagasubaybay sa kanyang Youtube channel.

At sa latest vlog nga ni Lorin, ay masaya niyang ipinasilip sa kanyang mga followers ang kanyang simple ngunit napakagandang bedroom na may all-white themed na disenyo.

Credits: Lorin Gabriella Gutierrez | Instagram

Taliwas sa pag-aakala ng marami na mahilig sa mamahaling bagay si Lorin dahil nga sa lumaking may kaya sa buhay, ay napag-alaman sa kanyang bedroom tour na napakatipid ni Lorin at karamihan nga sa furniture o mga kagamitang makikita sa loob ng kanyang bedroom ay pawang mga mumurahin.

Sa pagpasok sa kanyang silid ay agad na bubungad ang kanyang koleksyon ng kanyang mga sapatos. At ayon kay Lorin, ang lagayan nitong shelf ay nabili lamang niya sa Shopee ng mura.

“When you walked in, the first thing you see is the [shoe] shelf which didn’t come with the house. I bought it from shopee. Most things in my room are from shopee because it cheap and easy.”

Credits: Lorin Gabriella Gutierrez | Instagram

Hindi naman maikakaila na malaki ang pagkahilig ni Lorin sa pagbabasa ng mga libro. Patunay lamang nga nito ang sumunod na ipinakita ni Lorin na book shelf na punong-puno ng iba’t ibang klase ng libro. Maliban sa pagbabasa, ay ibinahagi rin ni Lorin ang kanyang hilig sa pangongolekta ng mga notebook.

Mahilig rin si Lorin sa musika, at patunay nga rito ang mga pagmamay-ari niyang instrumento. May makikita ring mga poster ng sikat at kanyang iniidolong rapper na nakadikit sa pader ng kanyang silid. Kapansin-pansin rin ang isang malaking poster ng album ng sikat na singer na si Frank Ocean na Blonde.

Credits: Lorin Gabriella Gutierrez | Instagram

Samantala, ibinunyag ni Lorin na karamihan nga sa mga gamit na makikita sa kanyang silid, ay nabili niya lang sa Shopee o kaya ay sa Amazon dahil mas praktikal umanong bumili na bukod sa mura, ay madali lang ring bumili.

Kwento naman ni Lorin ay hindi na niya pinalitan ng bago ang luma niyang kama, night table at iba pang furniture dahil mahal ang mga ito. At dahil nagagamit pa naman niya ang mga ito, ay kontento na siya na hindi muna bumili ng bago.

Credits: Lorin Gabriella Gutierrez | Instagram

“Furniture is really expensive and if it still works, there’s no point in buying stuff too much.”

Ibinahagi naman ni Lorin, ang parte ng kanyang bedroom kung saan nakalagay at nakadisplay ang kanyang mga designer bag at iba pang mamahaling gamit.

Ayon naman kay Lorin, ay siya lang mismo ang nag-ayos at nagdisenyo ng kanyang kwarto. At ang hangad nga ni Lorin, ay kapulutan rin ideya ng kanyang mga followers ang kanyang simpleng bedroom.

Credits: Lorin Gabriella Gutierrez | Instagram

“My room isn’t professionally decorated or anything. I pretty much did this all myself and I understand it’s like really simple. But regardless, I hope you got some ideas on how to spice up your own room.”

error: Content is protected !!