Connect with us

Entertainment

Long-time Partner ni James Yap na si Michela, Tila Hindi Nanganak sa Sobrang Ganda at Seksi ng Katawan

Marami ang humahanga sa husay ni James Yap pagdating sa paglalaro ng basketball. At dahil nga sa kanyang ipinamalas na husay sa loob ng basketball court, ay nagkamit siya ng hindi mabilang na trophy sa Philipiine Basketball Association.

Kasabay naman ng kasikatan ni James noon, ay ang pakikipagrelasyon niya sa Queen of All Media na si Kris Aquino kung saan ang kanilang pag-iibigan ay nauwi sa pag-iisang dibdib noong 2005. Ngunit sa huli ay nagwakas rin ito at nauwi sa hiwalayan. Biniyayaan naman ng isang anak na lalaki ang kanilang pagsasama, si Bimby.

Samantala, matapos ang kabiguang natamo sa naunang pag-ibig, ay muling tumibok ang puso ni James. At sa pagkakataon ngang ito, ay natagpuan niya ang inaasam na pag-ibig at kaligayahan sa piling ng kanyang Italyanang long-time partner na si Michela Cazzola.

Photo credits: michelacazzola | IG

Si Michela ay isang napakagandang Italyana na dating secretariat specialist ng Asian Development Bank. Nagsimula ang pag-iibigan nina James at Michela matapos magkakilala dahil sa isang kaibigan noong 2011. Hindi naman nga nagtagal ay nagpasya na ang dalawa na magsama.

Photo credits: michelacazzola | IG

Sa ngayon nga ay masaya ang pamilya ni James at Michela kung saan ang kanilang pagsasama ay biniyayaan ng dalawang anak. Isinilang ni Michela ang kanilang panganay na anak ni James noong 2016. Matapos maisilang ang panganay, ay marami naman ang humanga kay Michela, dahil ilang buwan pa lamang ang nakalipas ay makikita na sa katawan nito na tila hindi ito nanganak at napanatili nitong maganda ang hubog ng katawan.

Photo credits: michelacazzola | IG

Nasundan naman ang kanilang panganay na anak noong 2018 ng isang anak na babae, si Francesca. At tulad nga ng inaasahan, ay napakaseksi parin ni Michela matapos isilang ang pangalawa nilang anak ni James. Dahilan nga, upang hangaan pa siya lalo ng mga netizens.

Dahil nga talagang napakaganda at batang tingnan si Michela kahit may dalawang anak na, ay agaw pansin ang kanyang mga larawan sa social media kung saan ay nakakatanggap ng mga paghanga at papuri mula sa mga netizens. Kaya naman, labis ang pasasalamat niya sa mga positibong komento na kanyang natatanggap mula sa publiko.

“Hay grabe did you really give birth to 2 kids?”

“Ang ganda! Looks like you are in your 20s with no k𝔦ds at all!”

“I admire you as a person not to mention how you exude class and sexiness considering your now a mother of two.”

Photo credits: michelacazzola | IG

Bago pa man dumating ang pandemya, ay lumipad na patungong Italy si Michela kasama ang dalawang anak nila ni James habang si James naman ay narito sa Pilipinas.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mic (@michelacazzola)

At dahil nga sa pamdemya, ay hindi pa makaalis si James patungong Italy at hanggang ngayon ay hindi parin nakakabalik ng Pilipinas ang mag-iina. Kaya naman nang magdiwang ng ikatlong taong kaarawan ang kanilang bunsong anak, ay hindi nakadalo si James sa espesyal na okasyon.

error: Content is protected !!