Connect with us

Entertainment

Loisa Andalio, Sinurpresa Ang Kanyang Boyfriend Na Si Ronnie Alonte Ng Isang Masayang Birthday Party sa Ika-25 Taong Kaarawan Nito

Ang magkasintahang aktres na si Loisa Andalio at aktor na si Ronnie Alonte ay kabilang sa mga celebrity couple sa showbiz na naghahatid ng saya at kilig sa kanilang mga tagahanga. Hindi naman na ito nakapagtataka dahil talagang bagay na bagay sa isa’t isa ang magkasintahan. Palagi rin silang magkasama na kung saan nga ay sweet na sweet sa isa’t isa.

Saksi nga ang kanilang mga tagahanga sa kanilang matamis na pagmamahalan na puno ng saya at kilig. At wala namang okasyon o mahahalagang kaganapan na pinapalampas ang magkasintahan para ipadama nila sa isa’t isa ang kanilang pagmamahal.

Kamakailan lamang, ay pinasaya ni Loisa ang kanyang nobyong si Ronnie, matapos niyang surpresahin ng isang masayang birthday party para ipagdiwang ang ika-25 taong kaarawan nito. Nito lamang ika-26 ng Oktubre, ay 25 taong gulang na si Ronnie, at ang inihandang birthday party ni Loisa para sa kanya ay dinaluhan ng kanilang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

Sa Instagram, ay ibinahagi ni Ronnie ang ilang kuha ng larawan sa masayang pagdiriwang ng kanyang 25th birthday. Nilakipan niya naman ito ng caption na “Last night!” at sinamahan ng hashtag na 25. Ipinaabot rin ni Ronnie ang kanyang pasasalamat sa nasabi niyang IG post.

Sa hiwalay namang post ay ibinahagi ni Ronnie ang ilang larawan kung saan kasama niya ang kanyang kasintahang si Loisa. At makikita ngang masayang-masaya ang dalawa, at sweet na sweet. Ang nasabing mga larawan naman, ay nilakipan ni Ronnie ng caption kung saan pinasalamatan niya si Loisa.

“Thank you and I love you, beh.”

Samantala, sa kanyang Instagram ay nagbahagi rin si Loisa ng mga larawan na kuha sa masayang kaganapan ng birthday party ni Ronnie. At dito nga ay ipinaabot ni Loisa ang kanyang pagbati sa kanyang nobyo at sinabi na kahit alam niyang ayaw ni Ronnie na magkaroon ng selebrasyon, ay sinurpresa niya parin ito. Pinasalamatan rin ni Loisa ang mga taong naging bahagi at tumulong para maisakatuparan ang masayang pagdiriwang ng birthday ni Ronnie.

“About last night. Happy birthday iamr2alonte! I love you.”
“Alam kong di mo gusto yung mga ganitong celebration, pero SURPRISE! Alam kong nag-enjoy ka!”
“Thank you so much team sa pagtulong niyo po sakin.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ronnie Alonte (@iamr2alonte)

Ilan naman sa kanilang mga kaibigan na dumalo sa dinner party ay sina Hashtags co-members Zeus Collins, Nikko Natividad, Wilbert Ross, at Tom Doromal. Naroon rin ang It’s Showtime mainstay na si Jackie Gonzaga at makeup artist RB Chanco.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ronnie Alonte (@iamr2alonte)

Ang magkasintahang Loisa at Ronnie, ay nalalapit nang magdiwang ng kanilang ika-5 taong anibersaryo bilang magkasintahan sa darating na Nobyembre.

error: Content is protected !!