Connect with us

Entertainment

LJ Reyes, Napahagulgol sa Iyak Matapos Manood ng “Through Night and Day” Kasama si Paolo Contis

Published

on

Ang pelikulang “Through Night and Day” na pinagbibidahan ng aktor na si Paolo Contis at aktres na Alessandra De Rossi ay hinangaan ng publiko dahil sa hatid nitong magandang kwento at kahanga-hangang pagganap ng mga bida. Dahil nga talagang tinangkilik ito ng publiko ay pumangalawa ito sa Netflix. At ang isa namang pelikula ni Paolo na “Pangarap kong Holdup” ang siyang nag-number one.




Sa pagdiriwang nga ng kanilang ika-5th Anniversary bilang couple ng partner niyang si LJ Reyes, ay may espesyal na handog si Paolo para sa kanyang mga tagahanga. Ito nga ang hiling na reaction video habang nanonood ng kanyang pelikula. Marami nga ang naiyak sa pelikulang “Through Night and Day”, kaya naman ito ang napili nilang panoorin. Marami rin ang nagtatanong kung ano kaya ang magiging reaksyon nila kapag sila mismo ang nanood ng pelikula, kaya naman ito ang tampok sa latest vlog ng aktor.

At upang pasalamatan nga ang mga tagahanga ni Paolo ay tinupad niya ang hiling ng mga ito. Sa kanyang vlog nga, tampok ang magiging reaksyon nila ni LJ habang nanonood ng pelikula. Samantala, bago naman nila simulang panoorin ang pelikula nagbahagi naman ng ilang facts si Paolo patungkol sa theme song ng pelikula na “I Will Be Here” na kung saan ito dapat ay “Tears in Heaven” ni Eric Clapton. Ngunit, sa kasamaang oalad ay hindi umano pumayag si Mr. Eric dahil sa personal na dahilan.

Nang magsimula na nga ang pelikula ay natatawa pa si LJ, ngunit nang malapit nang matapos ang pelikula ay hindi na ipinagpatuloy pa ni Paolo ang kanilang panonood kahit may nalalabi pang 12 minuto dahil ang kasama niyang nanonood na si LJ ay hindi na napigilan pa ang luha.




“So, ayan di namin natapos ‘yung last 12 minutes ng movie.”, saad ni Paolo.

Makikita nga sa video na labis na naapektuhan si LJ ng magandang kwento ng pelikula at napahagulgol pa ito sa iyak na kung saan ay tila di rin kayang makita ni Paolo na umiiyak si LJ, kaya naman hindi na nila natapos panoorin ang pelikula.

Sa huling bahagi naman ng video ay nagpasalamat si Paolo sa mga sumuporta at nanood ng pelikula.

Samantala, sa pagdiriwang naman ng kanilang 5th Anniversary, hindi syempre mawawala ang sweet na mensahe nina Paolo at LJ para sa isa’t isa. Noong July 26 nga, sa kanilang mga Instagram account ay may kanya-kanyang post ang couple na naglalaman ng napakasweet na mensahe kung saan mababakas ang labis na pagmamahal sa isa’t isa.

error: Content is protected !!