Connect with us

Entertainment

LJ Reyes, Ipinamalas ang Kanyang Stunning Beauty sa Kanyang All-Black Outfit Matapos Dumalo sa New York Fashion Week

Agad na napukaw ang pansin ng mga netizens sa natatanging kagandahan ng aktres na si LJ Reyes kamakailan. Sa gitna kontrobersya patungkol sa hiwalayan nila ng kanyang dating partner na si Paolo Contis, ay naispatan ang pagdalo ni LJ sa New York fashion week na naganap sa Brooklyn, New York, kung saan nga ay masisilayan na sadyang napakaganda ng aktres.

Credits: Lj Reyes | IG

Sa kanyang Instagram stories, ay proud na ibinahagi ni LJ ang kanyang masayang karanasang ito. Makikitang ibinahagi ni LJ ang video ni Brandon Maxwell habang nasa runway. Hindi rin napigilan ni LJ ang ma-starstruck matapos makita ang kanyang idolong American model na si Gigi Hadid.

Sa caption naman ng IG story ni LJ, ay sinabi ng aktres na ito ang unang beses na dumalo siya ng New York fashion week. Kaya naman, talagang hindi pinalampas ni LJ ang pagkakataong ito para rin ipamalas ang kanyang taglay na kagandahan.

Credits: Lj Reyes | IG

“My first #NYFW!!! [emoji] and it was such an eye candy!!! And can’t get over gigihadid and these creations!”

Makikita naman na talagang hindi binigo ni LJ ang kanyang mga fans para masilayan ang kanyang napakagandang awra suot ang isang all-black outfit para sa kanyang pagdalo sa fashion show. Simple man ang kanyang suot, ay hindi naman maikakaila na litaw na litaw ang kanyang kagandahan at kaseksihan. Ang all-black out na ito ni LJ ay binuo ng black sleeveless top, pleather trousers, at sultry black stilettos.

Credits: Lj Reyes | IG

At para naman sa kanyang napakagandang mukha, ang kanyang makeup ay isinakatuparan ng sponsor ng nasabing event, ang Moart. Makikitang bagay na bagay sa aktres ang makeup nito na soft neutral eye look at nude lip na mas pinaganda ng kanyang classic slicked back hairstyle. Sa IG story naman ng Moart, ay pinasalamatan nito si LJ sa pagdalo sa nasabing fashion show.

Kung pagmamasdan ngayon ang awra ni LJ ay tila nag-eenjoy ang aktres sa buhay niya sa New York kasama ang kanyang mga anak. Matapos nga ang paghihiwalay nila ni Paolo, ay lumipad patungong New York si LJ kasama ang anak niya kay Paolo na si Summer, at panganay niyang anak na si Aki. Tila naman ito na rin ang simula ng panibagong buhay ni LJ para unti-unting maka-move on sa matinding sakit at kabiguan ng kanyang puso na kanyang naranasan.

Credits: Lj Reyes | IG

Matatandaan na isiniwalat ni LJ sa publiko ang kanyang panig tungkol sa isyu ng hiwalayan nila ni Paolo noong ika-1 ng Setyembre sa panayam ni Boy Abunda. Ayon nga kay LJ, ang dahilan ng kanyang pagsasalita ay para protektahan ang kanyang mga anak. Ang dahilan naman ng pag-alis sa Pilipinas ng aktres kasama ang kanyang mga anak ay para maka-recover umano sila emotionally and mentally.

error: Content is protected !!