Connect with us

Entertainment

LJ Reyes, Ibinahagi ang Kanyang Pagbabalik Alindog Program na Isang Intense Work Out Kasama si Baby Summer

Sabi nga nila kapag ang isang babae ay nasaktan, ay tiyak naman na babangon ito para ayusin ang sarili upang maging mas maganda. Kaya naman, ang aktres na si LJ Reyes, matapos mabigo ang puso sa sinapit ng relasyon nila ng kanyang ex-partner na si Paolo Contis, ay mas lalo nitong minahal ang kanyang sarili.

Credits: LJ Reyes | IG

Matapos mapabalita ang hiwalayang LJ at Paolo ay agad na lumipad patungong Amerika ang aktres kasama ang anak nito sa aktor na si Summer, at anak sa dating karelasyon na si Paulo Avelino na si Aki para magsimulang muli ng panibagong buhay.

Kamakailan lamang nga ay agaw pansin ang natatanging kagandahan ni LJ matapos dumalo sa prestihiyosong international fashion show kung saan nakadaupang palad niya ang kanyang mga idolo pagdating sa fashion tulad ng international model na si Gigi Hadid. At makikita nga na talagang blooming na blooming si LJ na animo’y hindi dumaan sa pagkabigo.

Credits: LJ Reyes | IG

Hindi naman dito natatapos ang pagpapaganda ni LJ at pagbibigay halaga sa kanyang sarili. Dahil ilang araw lamang ang lumipas, ay muli namang nakitang nagbabalik alindog program si LJ. Kamakailan lamang nang ibahagi ni LJ sa kanyang Instagram ang isang post kung saan makikita ang kanyang intense work out ng aktres  kasama ang kanyang anak na si Summer.

Makikita naman ang determinasyon ng aktres at talagang puspusan ang kanyang ginagawang pag-eehersisyo para maibalik ang kanyang magandang hubog ng katawan bago pa man siya magkaanak. Ang kanyang intense work out ay kinagiliwan rin ng kanyang mga fans dahil kasama niya ang kanyang napakacute na anak na si Summer.

Habang seryoso sa pag-eehersisyo si LJ, ay makikita namang ginagaya siya ng kanyang bunsong anak. Sa bawat galaw ni LJ, ay nakasunod rin si Summer na talagang game na game rin sa pag-eehersisyo.

Samantala, ang intense work out nilang mag-ina, ay nilakipan naman ni LJ ng caption na:

Credits: LJ Reyes | IG

“Yung antok ka pa pero adik yung kasama mo magworkout! Pero game na game ka naman – Summer”

Sinamahan rin niya ito ng mga hashtag na “mom and daughter tandem” at #mumljandsummer. Isang qoute rin ang inilagay ni LJ na nagsasabing “and we’re back to regular programming.”

Tila ito na nga ang simula ng pagmo-move on ni LJ at para patunayan na rin na kaya niyang bumangon at ayusin ang sarili matapos masaktan. Hindi naman maikakaila na sa kabila ng pinagdadaanan ngayon ng aktres, ay patuloy siyang lumalaban at nagiging matatag para sa kanyang mga anak.

Marami naman ang humanga sa ipinapakitang katatagan ng loob ni LJ, at ngayon nga ay nakikita naman ng publiko na mas lalo pa siyang gumanda matapos makipaghiwalay kay Paolo.

error: Content is protected !!