Connect with us

Entertainment

Liza Soberano, Talaga Nga Namang Hindi Maitatanggi Ang Taglay Na Kagandahan Noon Pa Man

Published

on

Kapag ang isang artista ay may taglay na magandang mukha sa industriya showbiz, agad itong nakikilala at sumisikat. Kaya naman, kung ang hinahangaan nating artista ay maganda at may taglay na talento tiyak na nangingibabaw siya sa ibang artista. Marami nga sa industriya ng showbiz ang may magagandang mukha. Ang ilan pa nga sa kanila ay nasilayan natin simula pagkabata hanggang sa nagdalaga kung saan nasaksihan natin ng pagbabago sa kanilang katauhan at nakita rin natin ang tunay nilang kagandahan.




Ngunit, ang aktres na si Liza Soberano ay talagang hindi maitatanggi na mula’t sapul ang kanyang kagandahan ay nangingibabaw sa lahat. Kitang-kita naman sa kanyang mga throwback photos na noon pa man ay taglay na niya ang kagandahang inaasam ng marami.

Isa nga si Liza sa may pinakamagandang mukha sa industriya ng showbiz sa bansa. Ngunit ang kanyang kagandahan ay hindi lamang hinahangaan sa loob ng bansa kundi maging sa ibang bansa. Talaga nga namang pang-international ang beauty na taglay ni Liza.

  




Samantala, sa kanyang mga throwback photos naman makikita na sa pagdaan niya sa puberty stage ay hindi maitatanggi na napakaganda niyang talaga.

 

Sa larawang kuha naman noong siya’y nasa high school, makikita na bawat anggulo ng mukha ni Liza ay natural ang taglay na kagandahan. Sa kanyang napakaamong mukha, walang sinuman ang hindi mapapalingon. Higit namang napapansin sa kanya ng marami ang kanyang matangos na ilong, walang duda na isa ito sa asset ng kanyang magandang mukha. Hindi rin naman maikakaila na napakaperpekto ng mukha ni Liza na tila inilagay ng angkop at eksakto ang bawat bahagi ng kanyang mukha.

Sa katunayan, ay muling nahalal si Liza sa Top 100 Beautiful Faces sa TC Candler. Ngunit, hindi lamang iyon dahil noong 2017 ay siya ang nasa Top 1, ibig sabihin lamang nito ay siya ang pinakamaganda sa lahat.

Kaya naman, sa ganda at talentong taglay ni Liza hindi maitatanggi na bumubuhos sa kanya ang mga proyekto kagaya ng mga pelikula at teleserye. Ang ilan pa nga sa mga ito ay talagang sinubaybayan at hinangaan ng publiko. Malayo na nga ang naabot na tagumpay ni Liza sa larangan ng pag-arte.




Maging ang kanyang buhay pag-ibig naman ay napakakulay sa piling ng aktor na si Enrique Gil kung saan marami na silang proyektong pinagsamahan na nagpakilig sa kanilang mga tagahanga. Isa na nga rito ang Make It With You, isang teleserye na mapapanood sa ABS-CBN.

error: Content is protected !!