Connect with us

Entertainment

Liza Soberano, Masyang Nagdiwang ng Kanyang Kaarawan Sa California Kasama Ang Kanyang Boyfriend Na Si Enrique Gil

Nito lamang ika-4 ng Enero 2022 ay masayang ipinagdiwang ng aktres na si Liza Soberano ang kanyang kaarawan sa California. At para sa kanyang espesyal na araw ay nakasama niya ang kanyang boyfriend na si Enrique Gil kung saan ay nagkaroon sila ng dinner date sa isang restaurant sa Los Angeles, California.

Sa kanyang Instagram account, ay ipinasilip ni Liza ang kanyang birthday dinner kasama ang kanyang nobyo. Kalakip ang sweet photos nila ni Enrique, ay sinabi ni Liza sa caption ng kanyang post kung paano siya napahanga sa magandang ambience ng restaurant lalo na sa masasarap nitong pagkain.

“Ambiance and music was fantastic, the food was *chef’s kiss* , but it was everyone keeping us company that made this birthday dinner so exciting. Can’t wait for what’s in store!! Thanks for such a lovely night!”

Credits: Liza Soberano | IG

Samantala, isa namang sweet birthday message ang ipinaabot ni Enrique kay Liza na kanyang idinaan sa isang Instagram post kalakip ang kanilang larawan suot ang kanilang all-black outfit.

“My one and only. Cheers to you my love happy birthday,”caption ni Enrique.

Credits: Enrique Gil | IG

Matatandaan na noong nakaraang buwan ng Disyembre ay ibinahagi ni Liza na kinailangan niyang lumipad patungong US para bisitahin ang kanyang lola na may karamdaman. Ipinaliwanag rin ni Liza ang dahilan kung bakit hindi siya nakadalo sa naganap na ABS-CBN Christmas special ngayong taon.

Sa kanyang post nga sa Twitter, ay inilahad ni Liza na nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang pamilya sa US na may sakit ang kanyang lola, kung kaya’t nagpasya siyang pumunta agad doon.

“I received a call from my family in the States yesterday right after recording and I was told that my great grandma Bobbie wasn’t doing so well.”

Credits: Enrique Gil | IG

Ibinahagi rin ng aktres na ang kanyang lola ang isa sa nag-alaga sa kanya noong nasa Amerika pa lamang siya. Kaya naman, hindi niya palalampasin ang sandali na makasama at maalagaan man lang ito ngayong may sakit ito. Humiling rin ng panalangin si Liza sa kanyang mga tagahanga para sa mabilis na paggaling ng kanyang lola at maging para sa buo nilang pamilya.

“She was one of the people who raised me back when I was America and I wouldn’t miss being with her during tough times for the world. Please include her and the rest of our family in your prayers. Thank you so much for understanding. Love you all.”

Credits: Enrique Gil | IG

Ang panibagong buhay na ipinagkaloob kay Liza, ay maituturing na isang malaking biyaya. Isa na naman itong panibagong taon para ipakita ang kanyang pagmamahal sa kanyang pamilya at mahal sa buhay. Isang taon kung saan marami na naman ang kanyang mapapasaya at mabibigyan ng inspirasyon. At taon na kung saan ay muli niyang mararanasan ay saya at matamis na pag-ibig sa piling ng kanyang kasintahan na si Enrique.

error: Content is protected !!