Connect with us

Entertainment

Liza Soberano, Ipinasilip ang Masayang Bakasyon ng kanilang Pamilya sa Siargao Kasama ang Kanyang Real-life Boyfriend na si Enrique Gil

“Sleep, surf and eat”, ganito ang naging routine ng pamilya ng aktres na si Liza Soberano nang magbakasyon sila sa Surfing Capital ng bansa, ang Siargao. Noong nakaraang buwan ng Enero nang magtungo ang kanilang pamilya sa Siargao, kasama ang ilang malalapit na kaibigan.




Espesyal rin ang bakasyon na ito dahil, pagdiriwang rin ito ng ika-24th birthday ni Liza. Kaya naman, hindi rin mawawala ang real-life boyfriend ni Liza na si Enrique Gil.

At noong ika-17 ng Pebrero ay ibinahagi ni Liza ang vlog na pinamagatang “Explore Siargao with me” na mapapanood sa kanyang Youtube Channel na “Life With Liza”, ang masaya nilang bakasyon sa Siargao at masayang pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Magmula sa kanilang pagsakay sa eroplano, hanggang makarating sa kanilang destinasyon ay ipinasilip ni Liza. Makikita na nakasuot ang mga ito ng facemask at face shield, bilang pagsunod sa safety protocols na ipinapatupad ng gobyerno bilang pag-iingat.

Samantala, makikita naman na talagang sulit na sulit ang kanilang naging bakasyon, na kung saan ay wala silang pinalampas na araw upang mapuntahan ang mga magagandang lugar sa Siargao at maranasan na magawa ang mga bagay na naghatid sa kanila ng labis na kasiyahan.

Hindi lamang nga isang araw kundi siyam na araw nilang naenjoy ang gandang hatid ng Siargao, at matikman ang masasarap na pagkain na dito lamang nila matitikman. Simula sa Day 1 hanggang Day 9 nga, ay ipinakita ni Liza ang kanilang iba’t ibang aktibidad kung saan makikita naman na enjoy na enjoy ang lahat.




Ilan sa kanilang pinagkaabalahang gawin sa loob ng siyam na araw ay mag-enjoy sa pamamasyal habang sakay ng scooter, at masaya rin silang nag-island-hopping. May araw ring inilaan para sa kanilang surfing lessons. At siyempre, pumunta rin sila iba’t ibang beach-side restaurants na talaga namang napakasarap ng mga pagkain.

Samantala, makikita naman sa 9 Day vacation nina Liza, na ipinamalas ng aktres ang kanyang fit and sexy body sa suot na swimsuit. Hahangaan rin ang angking ganda ni Liza na talaga nga namang hindi nakakasawang pagmasdan na lalong pinalutang ng kanyang OOTD. Nasilayan rin sa nasabing vlog ang kasweetan ng magkasintahang Liza at Enrique na nagsusubuan pa habang kumakain.




Talaga nga namang ang makapagbakasyon sa isang napakagandang lugar, kasama ang mga mahal sa buhay ay naghahatid ng ibang saya. At ang bawat sandali kasama ang mga ito sa pagbuo ng masayang alaala, ay talagang hindi makakalimutan hanggang sa paglipas ng panahon.

error: Content is protected !!