Liza, Ipinaglaban Ang Pagmamahalan Nila Ni Enrique Sa Edad Na 17

Ang pagkakaroon ng karelasyon o kasintahan ay may tamang panahon at tamang edad kung saan nangangailangan ng basbas ng mga magulang. Kinakailangan ng mga anak ang patnubay at gabay ng mga magulang lalo na sa usaping pag-ibig.

Kilala natin sina Liza Soberano at Enrique Gil o mas kilala sa tawag na “LizQuen” sa industriya ng showbiz bilang magkasintahan. Ngunit, hindi naging madali ang naging simula ng kanilang pagiging magkasintahan pero dahil sa pagmamahal ng bawat isa ay matapang na ipinaglaban ni Liza ang kanyang pag-ibig kay Enrique.

Ayon sa ABS-CBN, sa kanilang panayam sa naganap na press conference ng “Make It With You”, ibinahagi ng aktres na si Liza na hindi pa siya pwedeng pumasok sa isang relasyon noong naging magkasintahan sila ni Enrique dahil wala pa siya sa tamang edad at 17 taong gulang pa lamang siya.



“Siyempre, 17 ako noong naging kami, so ipinaglaban ko ‘yung relationship namin. Kasi bawal pa ako magka-boyfriend noon…. Sabi ko sa daddy ko ‘Masaya ako. Kung gusto mo akong maging masaya, papayagan mo ako”

pagbabahagi ng aktres.

Hindi nagtagal ay nakuha narin nila ang tiwala ng kanyang ama at nabigyan na ng basbas ang kanilang relasyon na ngayon ay limang taon ng magkasintahan at masayang masaya sa pagmamahal ng bawat isa.

Kamakailan nga ay kinumpirma ng magkasintahan na pinag-uusapan na nila ang kanilang kasal para sa hinaharap. Ibinahagi rin ni Enrique ang plano niyang pagpapagawa ng bahay para sa kanila ni Liza matapos maipagawa ang bahay ng kanyang pamilya.

“And then I’m going to be building Hopie in Vermosa in the future”

wika ng aktor.

Ipinahayag din niya na si Liza ay isang anghel sa lupa na nagbibigay ng saya at pagmamahal kaya hangad niya na mabigyan ng magagandang bagay ang kanyang kasintahan.



“You truly are an angel here on earth. You just give so much, so much happiness and love and just I hope that me and the world can somehow give all that love back to you. You’re not just drop gorgeous babe, youre the most beautiful human being I’ve ever met. Sometimes it’s just good to be true”

pagbabahagi ng aktor.

Tunay ngang hindi hadlang ang edad upang iparamdam ang pagmamahal sa isang tao lalo na kung ito’y may basbas ng magulang.