Connect with us

Entertainment

“Like Father, Like Son”: Kilalanin Ang Panganay Na Anak Ni Wendell Ramos Na Nagmana Sa Kanya Ng Kagwapuhan

Si Wendell Ramos ay isa sa mga sikat na artista sa showbiz na patuloy na namamayagpag ang karera. Unang nagsimula si Wendell sa showbiz bilang isang modelo, hanggang sa nadiskubre ang kanyang kagwapuhan at talento kung kaya’t tuluyan na ring pinasok ang mundo ng showbiz.

Sa pagpasok ni Wendell sa showbiz ay nakasama niya ang dating magkapareha na sina Richard Gutierrez at Angel Locsin sa programang Click. Dahil nga sa taglay na magandang katangian ni Wendell, ay naging isa siya sa matinee idol sa industriya ng showbiz.

Matatandaan naman na noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz ay napabilang rin siya sa casts ng Bubble Gang na mapapanood sa GMA Network. Ngunit, pagsapit ng taong 2015, ay nagpasya ang aktor na lumipat ng ABS-CBN. Hindi naman nagtagal matapos lamang ang tatlong taon ay muli siyang bumalik ng GMA upang ipagpatuloy ang matagumpay niyang karera.

Sa ngayon ay 43 taong gulang na si Wendell at sa kabila ng kanyang edad ay masisilayan parin ang kanyang gwapong mukha at matipunong pangangatawan. Kaya naman, hindi na nakapagtataka kung nagkaroon siya ng tatlong anak sa tatlo niyang non-showbiz girlfriends. Sa huli ay natagpuan naman ni Wendell ang tunay na pag-ibig sa kanyang maybahay na ngayong si Kukai Guevara, at sila’y ikinasal noong December 9, 2017.

Samantala, hindi naman nakapagtataka kung ang taglay na kagwapuhan at matipunong pangangatawan ni Wendell ay naipamana niya sa kanyang panganay na anak. Masasabi nga na “Like father, like son”, ang aktor at panganay nitong anak na si Wendell Saviour Jr. Bukod kasi sa namana ang kagwapuhan ng kanyang ama ay pareho rin sila ng hilig.

At ang pagwowork out nga ang nagsisilbi nilang bonding moments. Kitang-kita naman sa katawan ng panganay na anak ni Wendell, na gaya niya ay na-maintain rin nito ang magandang pangangatawan na talaga namang fit na fit.

Sa pag-aalaga ng katawan ay hindi nagkukulang si Wendell Saviour, na bukod nga sa pag-wowork out ay mahilig rin sa sports. Ang paborito nga niya ay ang paglalaro ng basketball kung saan ay nakakasama rin niya ang kanyang ama.

Sa taglay nga na magandang katangian ni Wendell Saviour, na talaga namang napakagwapo at matipuno ang pangangatawan ay tiyak na maraming kababaihan ang kanyang mapapaibig. Idagdag pa nga dito ang kanyang natatagong talento sa pag-awit. Tiyak nga na mabibighani ang maraming kababaihan sa kanyang taglay na katangian na namana sa kanyang ama.

Bilang isang ama naman, ay proud na proud si Wendell sa kanyang panganay na anak. Ngayon pa lang nga, ay buong puso na ang ipinapakitang suporta ni Wendell sa kanyang anak kung sakali mang plano nitong sumunod sa yapak niya na pumasok sa showbiz upang ipakita ang natatanging talento.

error: Content is protected !!