Connect with us

Entertainment

“Lesson here is not overgeneralized”: Jake Ejercito, Sinagot ang Komento ng Netizen Patungkol Sa Co-Parenting Set Up Nila Ni Andi Eigenmann sa Kanilang Anak na si Ellie

Ang pag-iibigan ng dating magkasintahan na sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito ay nagbunga ng isang anak na babae, ngunit sa huli nauwi rin sa hiwalayan.

Isang napakagandang bata ang ipinagkaloob kina Andi at Jake, at ito nga ay pinangalanan nilang Adrianna Gabrielle o Ellie na isinilang ng dating aktres noong ika-23 ng Nobyembre 2011, at malapit nang sumapit ang ika-10 taong kaarawan nito.

Credits: Jake Ejercito | IG

Bagama’t, naghiwalay ang dating magkasintahan noong 2014 matapos ang ilang taong relasyon, ay hindi naman nagkukulang bilang mga magulang sina Andi at Jake sa kanilang anak na si Ellie. Sa katunayan nga nito, ay may co-parenting set up silang dalawa para mapalaki ng maayos ang kanilang anak. At ang kanilang ginagawa para magampanang mabuti ang kanilang tungkulin sa kanilang anak bilang mga magulang, ay salitan silang nag-aalaga kay Ellie.

Sa ngayon ay may sariling pamilya na si Andi at masayang naninirahan sa isla ng Siargao kapiling ang kanyang fiancee na si Philmar Alipayo at dalawa nilang anak na sina Lilo at Koa. Samantalang si Jake, ay nananatiling tahimik sa estado ng kanyang love life, at nakatuon lamang ang atensiyon sa kanyang magandang anak na si Ellie.

Credits: Jake Ejercito | IG

Sa tuwing hinihiram naman ni Jake si Ellie kay Andi, ay walang pinapalampas na sandali ang aktor para makabonding ang kanyang anak. Sa katunayan nga nito, ay makikita sa social media account ni Jake ang napakaraming kuha ng litrato at video ng masaya nilang bonding moments.

At makikita na masayang-masaya si Jake sa tuwing kasama niya ang kanyang anak. Hindi nga matatawaran ang bawat sandali na nakakasama ni Jake ang kanyang anak na si Ellie. Kaya naman, sa tuwing maghihiwalay sila kapag babalik na si Ellie sa kanyang ina sa Siargao ay matinding kalungkutan ang nadarama ni Jake.

Credits: Jake Ejercito | IG

Kamakailan lamang, sa muling paghihiwalay ng mag-ama dahil babalik na si Ellie sa Siargao ay ibinahagi ni Jake sa Instagram ang isang litrato kung saan makikitang yakap niya nang mahigpit ang kanyang anak nang ihatid niya ito sa airport.

“Never not tough,”simpleng caption ni Jake sa kanyang post.

Credits: Jake Ejercito | IG

Samantala, naagaw ang atensyon ni Jake ng isang netizen sa comment section ng kanyang post, matapos nitong magbigay ng komento patungkol sa paghihiwalay nila ni Andi at pagkakaroon na lang ng co-parenting set up.

“This is the big lesson of both parents before separating their lives, we must consider. Kaya ayaw ko mag asawa eh.”

Hindi naman ito pinalampas ni Jake at agad na sinagot ang komento ng netizen. Ayon sa aktor, ay hindi dapat nilalahat dahil ang bawat magkarelasyon ay may iba-ibang dahilan kung bakit naghiwalay. Dagdag pa niya, ay may mga bagay na hindi na dapat ipilit pa dahil kapag ginawa ito, ay mas lalo lang lalala ang sitwasyon at baka maapektuhan pa ang bata.

Credits: Jake Ejercito | IG

“Lesson here is not overgeneralized. Not everyone has it easy and forcing something that will never be will just be worse…”

error: Content is protected !!