Connect with us

Entertainment

Laundry Area ni Neri Naig sa Kanyang Bagong Tayong Glass House Pwedeng Maging Tambayan sa Sobrang Linis at Nakakarelaks Pa

Isa na namang pangarap ang natupad ng binansagang “Wais na Misis” sa industriya ng showbiz na si Neri-Naig Miranda. Hindi nahadlangan ng pandemya at maging kanyang pagbubuntis na maisakatuparan ang kanyang dream glass house.

At isa sa bahagi ng bagong tayong glass house ang proud na ipinasilip kamakailan ni Neri ay ang laundry area na sa sobrang linis at ganda ay tila pwede itong maging tambayan. Bilang isang maybahay, ay may sariling diskarte naman si Neri para sa mga nais niyang paraan para maging maganda at maayos ang kanyang laundry area.

Sa isang Instagram post, nito lamang ika-11 ng Setyembre, ay ibinahagi ni Neri ang nais niyang maging hitsura ng kanyang pinapagawang laundry area. At ang nais ng wais at madiskarteng misis, ay isang laundry area na kompleto na ang lahat ng kailangan niya sa paglalaba. Higit sa lahat ay nais ni Neri na ito’y malinis at mabango na kung saan pwede raw maging tambayan.

“Gusto ko very organized at complete na. Maayos na sampayan, drawers, malaking sink for handwash, plantsahan, organizers, etc. Yung pwede kang tumambay sa laundry area. Malinis, maaliwalas, at mabango.”

Isang linggo lamang nga ang lumipas, nang ipasilip na ni Neri ang isang napakagandang laundry area na resulta ng disenyong ginawa ng Grupo Santamaria. At ang nais niyang disenyo ay talagang naisakatuparan kaya naman masayang-masaya siya sa naging resulta nito.

“Parang ang sarap maglaba, hehe! Sarap nang tumambay sa laundry area! Maayos na sampayan ko at kahit umulan, oks lang kase may bubong na. Wala nang tatakbo sa labas para samsamin ang mga sinampay, haha!”

Bagama’t, ang laundry area ay tagong bahagi ng bahay at bihirang mabisita, ay nais parin ni Neri na maging maganda ito. Ayon kay Neri, talagang nais niya ang kulay puting disenyo na binagayan ng kulay itim at hinaluan ng farm design.

“Gusto ko talaga ng puro white sa bahay tapos may accent na black na minimal lang na hindi pa rin nawawala yung touch ng farm style.Ano ang mas maganda? Yung white tiles o black tiles?”

Matatandaan na nauna nang ibahagi ni Neri ang mga larawan ng kanyang kitchen at dining area kung saan nga ay tinawag niyang “She Shed/Studio”. Ayon naman kay Neri, ang bagong glass house na kanyang ipinatayo ay regalo niya sa kanyang sarili matapos ang ilang taong lumipas na wala siyang binibili para sa kanyang sarili.

“Gift ko na sa sarili ko, ilang birthdays at Pasko rin na di ko binilihan ang sarili ko ng kung ano ano. Para rin naman sa pamilya at trabaho ko ‘to, kaya pussssh ko na ‘to this year!”

Napakasarap naman kumain at magmeryenda sa kitchen at dining ng glass house ni Neri dahil ito ay ipinatayo malapit sa garden kung saan masisilayan ang magandang tanawin.

“Nagpadagdag ako ng oven. Masarap magbreakfast, brunch, lunch, merienda, at dinner dito. Para kang kumain sa labas, hehe! Kase sa garden itatayo ang Glass House.”

Photo credits: Neri Naig | IG

Ibinahagi rin ni Neri na ang glass house ay magsisilbi ring studio para sa photoshoot ng iba’t ibang brand. Ayon pa kay Neri, ay kailangan niyang magpalakas muna dahil kapapanganak lang at pagkatapos nga nito, ay balik na siya sa kanyang trabaho.

“May mga nakapending na trabaho na kailangan ko nang i-shoot after kong manganak. Di na kaya kase this month. ???? Palakas lang ako, then trabaho agad, hihi!”

error: Content is protected !!