Connect with us

Entertainment

Larawan ng Lola Ni Dominic Roque Noong Kabataan Nito, May Malaking Pagkakahawig sa Magandang Mukha ng Kanyang Kasintahan na si Bea Alonzo

Kamakailan lamang ay agaw atensyon social media ang larawan ng aktres na si Bea Alonzo at larawan ng lola ng nobyo nitong si Dominic Roque kung saan makikitang malaki ang pagkakahawig ng mga ito sa isa’t isa.

Credits: Dominic Roque | IG

Marami ang nagsasabi na tila nga talagang itinadhana na sa isa’t isa ang aktres na si Bea Alonzo at gwapo nitong boyfriend na si Dominic Roque. Matapos ang naranasang lungkot at kabiguan sa puso ni Bea, ngayon nga ay talagang makikita ang labis niyang kaligayahan sa piling ni Dominic.

Matatandaan na noong nakaraang buwan lamang isinapubliko nina Bea at Dominic ang kanilang relasyon nang magbakasyon sila sa Amerika, at masisilayan naman talaga na isang tunay at tapat na pag-iibigan ang namamayani sa kanila.

Credits: Beadom.diary | IG

Makikita naman na sa naging bakasyon ng dalawa sa Amerika ay nakadaupang-palad ni Bea ang mga mahal sa buhay ng kanyang nobyo, kung saan nga ay naging mainit ang pagtanggap sa kanya. July 18, nang ibahagi ng magkasintahan ang kanilang pagdalo sa baby shower ng tiyahin ni Dominic na si Beth Tamayo.

Masaya ring nakabonding ni Bea ang pamilya ni Dominic sa bahay ng aktor. Hindi naman maikakaila na talagang ipinaramdam ng buong angkan ni Dominic ang kanilang pagmamahal kay Bea bilang bagong miyembro ng kanilang pamilya.

Credits: Beadom.diary | IG

Sa mga larawan na ibinahagi ng celebrity couple sa kani-kanilang social media accounts ay makikitang kasama nila sa litrato ang mga magulang ni Dominic na sina Anthony Sr. at Lena. Kasama rin sa litrato ang mga kapatid ni Dominic na sina Anthony Jr., Iah, at Lhean, maging ang asawa ni Anthony Jr. na si Marian at kanilang anak na si Claudia.

Samantala, nakilala rin ni Bea ang Lola ni Dominic na si Lola Zeny kung saan nga, ay makikita ang kanilang malaking pagkakahawig. Sa throwback photo ni Lola Zeny na kuha noong kabataan niya, ay aakalain nga na kakambal ito ni Bea dahil sa sobrang pagkakahawig nila.

Credits: Beadom.diary | IG

Ang litrato ni Lola Zeny noong kabataan niya at litrato ni Bea, ay pinagtabi sa isang post na ibinahagi sa Fanpage ng magkasintahan. At matapos nga masilayan ang kanilang larawan, ay hindi maiwasan ng mga netizens ang mapabilib at mapahanga dahil talagang malaki ang pagkakahawig ng mga ito sa isa’t isa. Marami pa nga ang nagsabi na talagang itinadhana na sina Bea at Dom sa isa’t isa.

Credits: Beadom.diary | IG

Agad ngang nag-viral ang larawan ni Bea at Lola Zeny sa social media kung saan ay inulan ng samu’t saring komento mula sa mga netizens.

“Ganun daw kapag may kamukha ung gf/bf mo na kamag anak/ka pamilya mo.. Kau daw ang magkakatuluyan”

“Sabi nila pag may resemblance.. destiny talaga sila”

“magkamukha din naman sila ni Dominique roque e para silang magkapatid “

“nakatadhana talaga sina Bea at Dom hawig na hawig ni Lola eh”

error: Content is protected !!