Connect with us

Entertainment

Larawan: Hindi Maikakaila, Angel Locsin Kitang-kita Ang Natural Na Ganda Mula Pagkabata Hanggang Sa Nagdalaga

Nakaugalian na ng mga Pinoy ang pagtatabi ng mga lumang larawan na kuha noong unang panahon. Mga larawan na naghahatid ng mga masasayang ala-ala ng nakalipas. Ilan sa mga larawang labis na iniingatan ng bawat pamilya ay larawan ng kanilang mga anak na napakalaking biyaya sa kanilang buhay. Nakakatuwang isipin na ang ilang magulang ay talagang iniingatan ang larawan ng kanilang anak na kuha mula pagkabata hanggang sa kanilang paglaki. At kapag nakita naman ng kanilang anak ang pagbabagong naganap sa kanilang katauhan sa pamamagitan ng mga lumang larawan, ay talagang maghahatid ito sa kanila ng labis na kaligayahan.




Ganito marahil ang nadarama ng aktres na si Angel Locsin sa kanyang pagbabalik tanaw sa mga luma niyang larawan na kuha noong maliit na bata pa lamang siya hanggang sa nagdalaga na siya. Isa si Angel Locsin sa mga hinahangaan sa industriya ng showbiz dahil sa taglay na napakagandang mukha. Ngunit, tila ang taglay na kagandahan ng aktres ay kitang-kita na noong siya’y maliit na bata pa lamang.

Sa mga larawang ibinahagi sa fan page ng aktres sa Instagram, makikita ang ilang childhood photos niya at masisilayan rin ang pagbabagong naganap sa kanya mula sa napakacute na sanggol hanggang sa isang napakagandang dilag.

Makikita rin ang isang larawan na kuha noong preschool graduation niya talagang ipinamalas ang ka-cutan sa kanyang matatamis na ngiti habang nakaharap sa camera.




Maging kuha ng larawan na tila nasa elementarya at highschool na siya dahil sa suot na uniporme ay kasama rin sa mga larawang ibinahagi sa kanyang fan page. Hindi rin siyempre mawawala ang larawan na kuha noong siya’y isang napakacute na sanggol pa lamang at talagang mapapangiti ang sinumang makakita sa kanyang napakaamong mukha na tila isang anghel.




Sa kanyang pagdadalaga nga ay mas lalo pang lumutang ang kanyang taglay na natural na ganda na kung san ay mababatid na talagang hindi lamang panlabas na anyo ang taglay niyang kagandahan kundi maging ang mabuting kalooban.

Sa ngayon nga ay isa na siyang matagumpay na aktres na patuloy na namamayagpag ang karera sa industriya ng showbiz. Ngunit, hindi naman niya nakakalimutang tumulong sa mga nangangailangan sa mga oras ng sakuna at kalamidad. Kaya naman ang kilalang Angel Locsin ng lahat ay hindi lamang isang anghel sa telebisyon kundi isa ring tunay na anghel sa totoong buhay.

error: Content is protected !!