Connect with us

Stories

Lalaking Nag Order ng Limang Cake para sa Kanyang Limang Girlfriend at Patagong Ipinadeliver ito, Viral sa Social Media

Nalalapit na ang pagsapit ng araw na inaabangan ng mga mag-asawa at magkasintahan, ang Araw ng mga Puso o Valentine’s Day. Sa espesyal na araw na ito, ay kanya-kanya ng gimik ang mga lalaki upang bigyan ng kasiyahan at pakiligin ang kabiyak ng kanilang mga puso. Ang ilan nga ang nagsimula ng umorder ng cake, naghanda ng pang-regalo at umorder na rin ng bulaklak at chocolates para sa kanilang iniibig.

Ngunit, isang bakery ang nakatanggap ng kakaibang order ng cake. Dahil sa halip na ipadala sa iisang babae, ay isang lalaki umano ang umorder ng cake para sa Valentine’s day upang sikretong ideliver sa lima niyang girlfriend.




Ibinahagi ng Pandora Cake House sa Sri Petaling, Kuala Lumpur, ang screenshot ng pag-uusap sa pagitan ng kanilang customer, na isang estudyante sa kalapit na unibersidad ang umorder ng cake. Tila nga, nahiwagaan ang bakery nang umorder ito ng cake hindi lamang isa kundi lima. Ngunit, ang mas nakapagtataka ay sikreto pa itong idedeliver sa iba’t ibang address.

Makikita sa ibinahaging screenshot na nag-order ang lalaki ng cake para sa Valentines day ngunit 5 pirasong cake na may parehong size, flavor at pareho ring sweet message na nakasulat sa gift tags. Ito nga ay isang 6-inch mango cake, kung saan ay ipinadala sa iba’t ibang address.

Sa nasabing gift cards, ay hiniling ng lalaki na ilagay ang sweet message na:

“Dear Baby, due to the pandemic I can’t celebrate Valentine’s Day with you again. Hope our love will be as sweet as this cake.”

Samantala, ang nasabing lalaki ay regular customer ng bakery kung saan ilang ulit na ring nag-order ng iba’t ibang klaseng cake upang ideliver sa magkakaibang address. Noong una raw ay isang cake para sa isang babae lamang ang order nito. At sa pangalanng order umano nito ay para sa 3 babae, at sumunod ay cake para sa 6 na babae. At isa pang order ng cake para sa 4 na babae. Hindi naman inaasahan ng bakery na mga girlfriend pala ng lalaki ang mga babaeng pinapadalhan ng mga cake. Hanggang sa sumapit nga ang Valentine’s day, kung saan sa pagkakataong ito, ay umorder ng 5 cake para sa iba’t iba niyang girlfriend.

Dahil nga, talagang kakaiba ang order na ito ng kanilang customer, ay tila namangha ang bakery. Kaya naman, ang screen shot ng nakakatuwang usapan nila ay ipinost online. At ito nga ay umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.




At ang ilan nga, ay hindi na nakapagpigil na magbitiw ng negatibong komento sa nasabing lalaki. Kung ang ibang lalaki nga ay talagang pinaghahandaan ang pagsapit ng Valentine’s Day upang ipakita at ipadama ang pagmamahal sa kanilang iniibig, ay tila hindi naman naisip ng lalaking ito ang damdamin ng kanyang limang girlfriend na pagbibigyan niya ng cake na may kasama pang sweet message.

error: Content is protected !!