Connect with us

Inspiring

Lalaki Nag-Alok na Maglinis ng Kanal Kapalit ng Maiuuwing Pagkain para sa kanyang Pamilya

Kapag nga naman pagdating sa pangangailangan ng ating pamilya lahat ay gagawin natin matustusan lamang ito. Ngunit, sa panahon ng krisis na kinakaharap ngayon at muling pagpapatupad ng MECQ sa Metro Manila noong August 5, hindi ito madaling gawin dahil sa kawalan ng trabaho at mapagkakkitaan.




Kaya naman, marami sa ating mga kababayan ang walang maipakain sa kanilang pamilya sa araw-araw. Ang ilan nga ay nanghihingi ng tulong sa gobyerno o kaya naman ay sa mga taong nakakaangat sa buhay. Ngunit, may isang lalaki na pinag-uusapan ngayon sa social media dahil sa kanyang madiskarteng ginawa upang may maiuwing pagkain para sa kanyang pamilya.

Photo credits: Francis Jun | Facebook 

Hindi nga tulad ng iba na nanghihingi, mas pinili ng hindi nakilalang lalaki na ito na maglinis ng kanal kapalit ng pagkain. Ayon nga sa kwento ni Francis Jun sa social media, lumapit umano sa kanya ang isang lalaki matapos mapadaan sa kanilang bahay at mapansin ang kanal sa gilid ng kanilang bahay. Noong una raw, akala niya ay may bibilhin lamang ito ngunit, hindi inaasahan ni Francis Jun na iba pala ang pakay nito sa kanya. Nagprisinta kasi ang lalaki na linisin ang kanal kapalit ng pagkain para sa maiuwi sa pamilya nito dahil nga apektado ng MECQ at kawalan ng trabaho.

Noong una, ay nag-alinlangan umano si Francis Jun dahil nga, siya mismo ang gumagawa ng bagay na iyon. Ngunit dahil na rin sa awa sa lalaking ito at nais rin niyang matulungan ito, ay pumayag na rin siya sa nais nito.

Marami ang humanga sa diskarteng ginawa ng lalaki upang may maipakain sa kanyang pamilya, kaya naman marami rin ang nais magpaabot ng tulong. Ngunit sa kasamaang palad, hindi nakuha ni Francis kung ano ang pangalan ng lalaki at kung saan ito nakatira, kaya ng manawagan siya sa social media at marami ang nais magpaabot ng tulong ay ipinaliwanag niya na hindi niya naitanong ang detalye ng lalaki.




“Salamat po. Mali din po ako kasi hindi ko siya natanong kung taga saan at kung ano name niya. May kagawad ng bayan na gustong magpaabot ng tulong pero mali ko hindi ko naitanong info niya. Iniisip ko lasi baka mahiya siya.”

Photo credits: Francis Jun | Facebook

Dahil nga, hindi nakuha ni Francis Jun ang impormasyon ng lalaki, mas minabuti niya na palawigin na lamang ang kanyang pagtulong sa pamamagitan ng pagpost sa social media kung saan ay sinabi niya na kapag nakarating sa lugar nila ang lalaki ay pagbigyan rin ang nais nito upang matulungan.

Ayon pa kay Francis Jun, nahihirapan rin siya sa pakikipagsapalaran ngayon sa krisis, ngunit alam niya na mas higit ang pangangailngan ng lalaking ito dahil sa ipinakita nitong dedikasyon na huwag manghingi sa halip ay pagtrabahuan pa rin ang pagkain na maiuuwi sa pamilya nito.

Marami ang humanga sa ginawang pagtulong na ito ni Francis Jun kung saan ay talagang ipinakita niya ang kanyang kabutihang loob na tumulong sa kapwa.

“God bless po kuya. Sana dumami pa yung katulad n’yong mabubuting puso at makatulong sa kapwa nating nangangailangan ng tulong.”

error: Content is protected !!