Connect with us

Entertainment

Lalaki Hinangaan sa Social Media Matapos Surpresahin ang kanyang Girlfriend ng Bouquet ng Sunflowers na siya Mismo ang Nagtanim at Nagpalago

Ang makatanggap ng isang surpresa o regalo ay sadyang napakasarap sa pakiramdam. At ang kadalasan nating ginagawa upang mapasaya at mahandogan natin ng regalo ang ating mga mahal sa buhay, ay binibili ang mga nais nilang bagay.

Madali nga naman talagang magbigay ng regalo o surpresa kung bibilhin na lamang ito na pagkatapos balotin o ilagay sa magandang lalagyan ay maaari ng ibigay sa taong pagbibigyan.

Ngunit, wala pa ring makakahigit sa regalo o surpresa na pinaghirapan gamit ang oras, sipag at tyaga. Kung ang iba nga, ay bumibili na lamang ng regalo para sa kanilang iniibig, kakaiba ang ginawang ito ng isang lalaki. Dahil, bago niya makamit ang surpresang nais ibigay sa kanyang nobya, ay naghintay muna siya ng mahabang panahon, pinaghirapan at talagang inalagaan.




Ito nga ay dahil, ang isang bouquet na bulaklak ng sunflower, ay hindi binili kundi siya mismo ang nagtanim at nagpalago. Todo effort talaga ang ginawa ng estudyanteng lalaki na nagmula sa San Fernando, Pampanga upang mapaligaya at mabigyan lamang ng surpresa ang kanyang nobya.

Ang napakasweet at todo effort na ginawa ng lalaking ito na nakilala sa pangalang Angelo Aquino, ay masaya niyang ibinahagi sa Facebook kung saan ay umani ng papuri at paghanga mula sa mga netizens.

Sa post nga ni Angelo, ay ikwenento niya sa pamamagitan ng mga litrato at video kung paano niya itinanim at inalagaan ang sunflower na handog bilang surpresa sa kanyang kasintahang si Jona Pare.

Ika-13 ng Setyembre, nang simulang itanim ni Angelo ang mga buto ng sunflower. At matapos lamang ang tatlong araw ay makikita na tumubo na ang mga ito. Pagsapit naman ng ika-16 na araw, ay sinimulan na ni Angelo na kausapin ang kanyang mga pananim. Talagang alagang-alaga ni Angelo ang mga sunflower, at pagsapit ng 26 days, ay kanya naman itong ini-sprayan ng pesticides. Araw-araw rin itong dinidiligan ni Angelo upang huwag malanta.

Pagsapit naman ng ika-44 days, ay tila nagbunga na ang tyaga ni Angelo sa pag-aalaga ng mga sunflower, at unti-unti na ngang nasisilayan ang mga bulaklak nito. Hindi rin pinabayaan ni Angelo ang mga sunflower nang manalasa ang bagyong Rolly, at kanya pa itong inilagay sa ligtas na lugar.

At matapos nga ang 53 days, ay kitang-kita kung gaano kaganda ang mga bulaklak ng sunflower at pinitas na nga ito ni Angelo upang gawing bouquet para ibigay sa kasintahan niyang si Jona Pare. Nang matanggap nga ni Jona ang surpresa ni Angelo na siya mismo ang nagtanim at nagpalago, ay makikta na masayang-masaya ito.

Ang naturang post naman ni Angelo ay nilakipan niya ng caption na kapupulutan ng inspirasyon. Ayon nga rito, ay hindi kailangan ng anumang okasyon upang mapasaya ang minamahal. At binigyang diin rin ni Angelo na sana ay gawin rin ito ng iba, dahil hindi umano mabibili ng anumang pera ang pagmamahal.




“How I did my secret surprise for my yaba. I can proudly say that I planted these. ❤️🙌🏻 Di kailangan ng okasyon to make your girl happy. There’s nothing sweeter than growing your own plants, and giving them to someone you love. Taking care of the plants, talking to them, and watching them grow. You’ll have the pride. I hope you guys do the same. Kase hindi mabibili ng kahit anong pera ang pagmamahal.”

error: Content is protected !!