Connect with us

Inspiring

“Laking tipid”, Aktor na Si Marvin Agustin Ipinasilip ang Kanyang Garden Kung Saan Siya Nagha-Harvest ng Ibang mga Ingredients sa Kanyang Pagluluto

Maliban sa pagiging isang aktor at restaurant owner, alam niyo ba na si Marvin Agustin ay isa rin sa mga nahilig sa pagkakaroon ng sarili niyang garden kung saan siya ay nakapagtatanim ng iba’t ibang herbs, gulay at prutas. Ito ay nagsimula nga noong nakalipas pang mga taon, ng siya ay naghahanap ng maupapahang bahay para sa kanya at sa kambal niyang anak na lalaki.

Sa paghahanap ng aktor-chef-restaurateur ng mauupahang bahay, ay dito niya nakita ang isang 197 0’s bungalow sa Quezon City, at dahil sa pagkakaroon ng garden ng naturang tahanan na naka-agaw pansin sa aktor, ay hind na nga siya nagdalawang-isip pa at ngayon ay ito na nga ang naging tahanan nila ng kanyang mga anak.

Nang manirahan na ang aktor sa naturang tahanan, ay dito na rin niya sinimulan ang pag-ga-garden ng mga predominantly plants, herbs at gulay, kagaya na lamang ng basil, rosemary, okra, talong, alugbati, malunggay, cherry tomato, corn at papaya.

Photo credits: Marvin Agustin | Instagram

Photo credits: Marvin Agustin | Instagram

Photo credits: Marvin Agustin | Instagram

Photo credits: Marvin Agustin | Instagram

Dahil sa pagkakaroon ng mga iba’t ibang pananim sa kanyang garden ay ilan nga sa mga ingredients na kinakailangan ng aktor sa kanyang pagluluto ay hindi na niya kinakailangan pang bilhin, dahil ito ay pipitasin o kukunin na lamang niya sa kanyang garden. Kagaya na lamang nga ng siya ay magluto ng ginataang mais, kung saan ay sa garden niya kinuha ang mais.

Photo credits: Marvin Agustin | Instagram

Kahit ang ilang mga kinakailangan ng aktor sa kanyang restaurants na Kondi, ay sa kanyang garden din niya kinukuha, tulad na lamang ng basil leaves na ginagamit sa pagawa ng spring rolls at cocktails.

Photo credits: Marvin Agustin | Instagram

Kamakailan lamang sa kanyang social media account ay ibinahagi ni Marvin ang kanyang gardening experience kasabay nito ang cooking demos niya at maging ang kanyang workout session. Nagbahagi din ang aktor ng ilang mga tips na natutunan niya sa ginawa niyang sariling pagsisiyasat at pagbisita sa mga farm. Ayon pa sa kanya, ito ginawa niya dahil in line ito sa kanyang business venture at dahil sa stint niya bilang ambassador ng Department of Science and Technology-Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (DOST-PCAARRD).

Photo credits: Marvin Agustin | Instagram

Sa kanya namang vlog ay ibinahagi ng aktor, na malaki ang naitutulong ng pagtatanim sa sariling bakurn, lalo na sa mga nais makatipid.

“Magtanim na kayo, guys, laking tipid,” ani Marvin sa kanyang vlog.

Makikita naman sa Instagram ni Marvin ang naging pagbabahagi niya ng parehong encouragement.
“Matrabaho lang sa simula.”

“Mag-aral na tayo magtanim, hindi biro ang pagtaas ng presyo.”

Dagdag pa niya, “Mahirap pala talaga magtanim, pero worth it pag nakikita mo na ang mga bunga!”

error: Content is protected !!