Connect with us

Entertainment

Labis na Ipinagmalaki ng Aktres na si Dimples Romana ang Kanyang Anak na si Callie sa Pagtatapos nito sa Highschool

Proud na proud sa kanyang panganay na anak ang aktres na si Dimples Romana. Ito nga ay dahil nakapagtapos na ang panganay niyang anak na si Callie sa highschool at handa nang harapin ang bagong yugto ng kanyang buhay estudyante sa kolehiyo.

Dahil dito, ay labis ang kaligayahan ni Dimples at ng kanyang pamilya sa nakamit na tagumpay ni Callie. At upang ipabatid sa publiko ang magandang balita ay isang post sa Instagram at sa Facebook na naglalaman kung gaano siya kasaya at ka-proud para sa kanyang anak bilang ina nito. Kalakip ng mahabang caption ng post ni Dimples, ay ang kuha ng mga larawan kasama si Callie at ang buong pamilya na mababakas ang masayang ngiti sa mukha ng bawat isa.

Credits: Dimples Romana | Instagram

“Ngayong araw na ito ay espesyal para sa pamilya namin. Today we celebrate our graduate @callieahmee 🎓 (incoming college na sya 🥺😍) Sa lahat ng mga magulang na kagaya namin ni @boyetahmee @papaboyetonline this day is a day we’ve always prayed for, worked hard for and hoped for.”

Credits: Dimples Romana | Instagram

Sa nasabing post rin ay mababasa ang labis na pasasalamat ni Dimples sa kanyang anak dahil nakapagtapos ito ng may nakamit na karangalan. Ipinarating naman ni Dimples ang kanyang paghanga sa kanyang anak at maging sa iba pang estudyante na sa kabila ng hirap na nararanasan sa pag-aaral sa gitna ng pandemya, ay patuloy na nagsusumikap sa pag-aaral upang makapagtapos.

“Ang hirap ng panahon ngayon, the struggles and hardships that our students have to go through are not easy. And often as a parent, we come across situations where there is just nothing else we can do but let our children figure things out for themselves.”

Credits: Dimples Romana | Instagram

Ibinahagi rin ni Dimples ang hirap na kanilang pinagdaanan para lamang mapag-aral at maibigay ang pangangailangan ni Callie. Labis naman ang paghanga ni Dimples sa kanyang anak, dahil sa kabila ng mga problema ng nagawa nitong matupad ang pangarap na makapagtapos, na siyang dahilan ng kaligayahan ngayon ng kanilang pamilya.

Ang nakamit na tagumpay na ito ni Callie, ay tagumpay rin ng kanyang buong pamilya. Sa mga larawan nga, ay makikita na talagang ipinakita ng buong pamilya ang kanilang pagsuporta kay Callie. Maging ang kasambahay nilang si Ate V na parte na ng kanilang pamilya, ay kasama rin sa mga larawan. Malaking bahagi ng tagumpay ni Callie si Ate V, na tulad ng kanyang mga magulang na sina Dimples at Boyet, ay nakasuporta at mahal na mahal rin si Callie.

Credits: Dimples Romana | Instagram

Ngayon nga, ay handa nang harapin ni Callie ang susunod na hakbang sa pagtupad ng kanyang pangarap ngayong papasok na siya sa kolehiyo. Tiyak naman na ang mga pangarap at naisin niya sa buhay ay kanyang makakamit lalo na’t nasa tabi niya ang mapagmahal at supportive niyang pamilya.

error: Content is protected !!