Connect with us

Entertainment

Kylie Padilla, Sinagot Ang Isyu ng Pagkakaugnay ng Pangalan ni AJ Raval sa Hiwalayan Nila ng Kanyang Dating Asawa na si Aljur Abrenica

Nitong nakaraang buwan lamang, nang maging laman ng usap-usapan sa social media ang mag-asawang sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica. At ito nga ay dahil sa mga cryptic posts nila sa social media na mas nakaagaw ng atensyon ng mga netizens para isiping hiwalay na sila.

Credits: Kylie Padilla | IG

Ngunit, ang paghihiwalay ng mag-asawang Kylie at Aljur ay agad na kinumpirma ng ama ng aktres na si Robin Padilla sa isang interview kay Ogie Diaz. Isang matibay ring patunay ng kanilang paghihiwalay ang paglipat ng bahay ni Kylie kasama ang kanilang dalawang anak na sina Alas at Axl.

Credits: Facebook

Hindi naman nakaligtas sa samu’t saring espekulasyon ang dating mag-asawa na third party di umano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay. Matapos ang ilang mga isyu kaugnay sa kanilang hiwalayan, at masangkot rin ang pangalan ng leading lady ni Aljur sa pelikulang “Nerisa” na si Cindy Miranda, kamakailan lamang ay pangalan naman ng seksing aktres na si AJ Raval ang nadadawit sa kanilang hiwalayan.

Nagsimula ang lahat matapos kumalat sa social media ang isang video kung saan ay makikitang magkasama ang rising star na si AJ Raval at aktor na si Aljur. Dahil nga dito, ay umani ito ng samu’t saring espekulasyon at marami rin ang naghinala na may namamagitan sa dalawa. Ang ilan nga ay iniisip na si AJ diumano ang third party at dahilan ng paghihiwalay nina Kylie at Aljur.

Credits: Facebook

Ngunit, tila mabilis ring nakarating ang balita kay Kylie kung kaya’t hindi na siya nagdalawang isip pa na bigyang pansin ang kumakalat na isyu. At nito lamang ika-1 ng Oktubre, ay nilinaw ni Kylie ang isyu sa pamamagitan ng pagpost niya sa Twitter.

Ayon nga kay Kylie ay wala umanong isyu na dapat pag-usapan dahil hiwalay na sila ni Aljur. At pareho naman silang nagkasundo na maaaring silang makipag-date o makipagrelasyon sa iba.

“Guys there is no issue. We separated last April pa and we have already mutually agreed to date other people.”

Nakiusap rin si Kylie sa publiko na huwag nang mandamay pa ng ibang tao sa isyu ng kanilang hiwalayan ni Aljur. Ayon pa sa aktres, ay hindi na siya magbibigay pa ng anumang impormasyon tungkol sa kanilang paghihiwalay dahil nais niyang sulitin ang  natitirang privacy na meron siya para sa kanyang sarili.

Credits: Kylie Padilla | IG

“Please stop dragging other parties into this. I have no intention of disclosing anymore of what happened because I want to cherish the littlest ounce of privacy I have left.”

error: Content is protected !!