Connect with us

Entertainment

Kylie Padilla, Proud na Ibinahagi ang Larawan ng Kanyang Ina na Kamukhang-kamukha Niya Noong mga Panahong Kasing Edad siya ng Mommy Niya

Hindi naman talaga maikakaila na kapag maganda ang pinagmulan, ay tiyak na maganda rin ang magiging bunga. Ito nga ang pinatunayan ng aktres at celebrity mom na si Kylie Padilla matapos niyang ibahagi ang lumang larawan ng kanyang ina sa Instagram.

Ang aktres na si Kylie Padilla ay kilala na ng publiko na may kahanga-hangang kagandahan. Sa magandang mukha at mala-porselanang kutis nga naman ni Kylie ay mapapahanga ang sinumang makakakita sa aktres. Maliban nga sa husay sa pag-arte ni Kylie, ay hinahangaan rin ang kanyang angking kagandahan at magandang hubog ng katawan.




Si Kylie ay anak ng aktor na si Robin Padilla sa dati nitong asawa na si Liezl Sicangco. Hindi maitatanggi na parehong may magagandang katangian ang mga magulang ni Kylie. Ngunit, kanino nga ba talaga namana ni Kylie ang kanyang mala-dyosang kagandahan?

Sa larawan na ibinahagi ni Kylie kamakailan sa kanyang Instagram, ay tila nasagot na ang tanung ng karamihan. Dahil sa nasabing larawan, ay aakalain sa unang tingin na si Kylie ang masisilayan sa nasabing larawan. Ngunit, kung pagmamasdang mabuti, ay hindi pala ito ang aktres, kundi ang kanyang ina na si Liezl Sicangco.

Ayon naman kay Kylie, ay nasa edad niya ngayon ang lumang larawan ng kanyang ina na kanyang ibinahagi. At makikita nga, ang maganda nitong mukha at makinis at maputing kutis na tila katulad sa papel. Hindi maikakaila na ang taglay na kagandahan at mala-porselanang kinis ni Kylie ay namana niya sa kanyang napakagandang ina.




Samantala, nilakipan naman ni Kylie ang naturang post ng caption na:

“My mum at my age. I think. HOLY. Where did I get the all black thing? My mum yows.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by kylie (@kylienicolepadilla) on

Matapos namang makita ng mga netizens ang larawan ay humanga at tila hindi makapaniwala ang mga ito na hindi ito si Kylie, kundi ina pala ito ng aktres dahil sa sobrang pagkakahawig nila.

“You two are carbon copy 😍 Very pretty!”

“Super pretty Ng mom ninyo.. Mana KAYONG lahat na magkakapatid.”

“Npkganda nmn po ng inyong ina.ganda ng lahi…@kylienicolepadilla hnd nkksawa pagmasdan ang mukha.”

“She looks exactly like you. I mean you look exactly like her.”

Noong December 11, 2018, ay ikinasal si Kylie sa aktor na si Aljur Abrenica at ang kanilang pag-iisang dibdib ay ginanap sa Villa Milagros, Rizal.

Sa ngayon ay abala si Kylie sa pagiging isang negosyante at hands-on mommy sa kanilang dalawang anak ng kanyang asawang si Aljur Abrenica, sina Alas Joaquin at Axl Romeo.

error: Content is protected !!