Connect with us

Entertainment

Kylie Padilla, Naging Emosyunal Nang Tanungin Ng Kanyang Amang Si Robin Padilla Patungkol Sa Relasyon Nila Ng Kanyang Dating Asawang si Aljur Abrenica

Ilang buwan na rin ang nakalipas magmula nang maghiwalay ang aktres na si Kylie Padilla at dati nitong asawang si Aljur Abrenica. Ngunit, tila hindi parin nakakalimutan ng Kapuso actress ang sakit na dulot ng kanilang paghihiwalay.

At kamakailan lamang nga, ay hindi napigilan ni Kylie ang maging emosyunal matapos matanong ang aktres ng kanyang amang si Robin Padilla patungkol sa relasyon nila ng kanyang dating asawa.

Sa latest vlog ni Kylie na mapapanood sa kanyang Youtube channel, ay nakasama niya ang kanyang amang action star na si Robin, kung saan ay nagkaroon sila ng oras para makapag-usap ng “heart to heart”. Hindi naman pinalampas ni Kylie ang pagkakataon na matanong ang kanyang ama tungkol sa mga bagay-bagay sa buhay at bilang isang magulang. May mga inihandang katanungan si Kylie para kay Robin, at dito nga ay mas lalong nakilala ng aktres ang katauhan ng kanyang ama.

Sa unang bahagi ay panay si Kylie ang may ibinabatong tanong na nasagot naman ni Robin ng maayos. Tila nga malapit na malapit ang mag-ama sa isa’t isa, kung saan nga ay makikitang marami ring alam na bagay si Kylie patungkol sa kanyang ama.

Isa naman sa kanilang mga napag-usapan ay ang pagiging ama ni Robin sa kanyang mga anak. Ayon nga sa aktor, bilang isang ama ay masaya siyang makita na masaya ang kanyang mga anak sa kani-kanilang buhay. Bilang isang butihing magulang naman, ay marami ring payo at tagubilin patungkol sa pagpalalaki ng anak si Robin kay Kylie na ngayon nga ay magulang na rin sa kanyang dalawang anak.

Samantala, hindi naman nakaligtas si Kylie sa katanungan ng kanyang ama patungkol sa kanila ng kanyang dating asawa. Una nga ay kinamusta muna ni Robin ang dalawa, kung “okay” na sila ni Aljur.

Hindi naman na nagdalawang isip ang aktres at sumagot sa kanyang ama, at sinabing:

“Okay na kami, yes. Okay na kami, thank God,”pahayag ni Kylie.

Tila hindi naman nakuntento si Robin sa kasagutan ng kanyang anak. Kaya naman, nagpumilit si Robin na magsabi ng totoong nararamdaman ni Kylie.

“Sige nga kasi tinitignan kita sa mata e. Kasi hindi ka makakapagsinungaling sakin e,”saad ni Robin.

At dito nga, ay makikita na pinipigilan ni Kylie ang maluha bago magbigay ng kasagutan sa kanyang ama. Ayon kay Kylie ay maayos naman na sila ni Aljur bilang magulang sa kanilang mga anak.

“Okay na po talaga, Pa. I promise. Ayoko nang mag ano, basta. Ang importante, andun kami para sa mga bata.”

Ngunit, sa huli nga ay tila hindi na napigilan pa aktres na ilabas ang kanyang nararamdaman at tuluyan na ngang naging emosyunal. At dito nga, ay makikita ang tuluyang pagtulo ng luha ni Kylie kung saan ay ramdam na ramdam ang sakit.

“To be honest, Pa yung mahirap lang talaga dun sa nangyari samin is never ko nang mae-enjoy yung pinapanood ko silang naglalaro. Yun lang. Kasi nung dumating na talaga yung time na di na siya nagwo-work, but bilang nanay… oh my God. Favorite ko kasi yun eh. Favorite ko yun eh, na pinapanood ko yung mga anak ko tsaka yung tatay nila na magkasama.”

error: Content is protected !!