Connect with us

Entertainment

Kylie Padilla nag-ala Reyna Amihan sa kanyang Maternity Pictorial

Matatandaang taong 2016 ng magkaroon ng remake ang telefantasyang Encantadia kung saan ay gumanap si Kylie Padilla bilang isa sa apat na reyna ng Encantadia at ito nga ay si Reyna Amihan.



Marami man sa umpisa ang nagduda sa kakayahan ni Kylie na gumanap na Reyna Amihan, hindi naman tumagal at napatunayan ni Kylie sa mga tao na karapat-dapat siya gumanap sa nasabing role.

Ngunit ng taong 2017 sa kalagitnaan ng telefantasyang Encantadia ay nagpaalam at umalis si Kylie sa nasabing show dahil sa hindi niya inaasahang pagbubuntis sa panganay nilang anak ni Aljur. Marami man ang nanghihinayang o nalungkot sa pag-alis ni Kylie o ni Reyna Amihan sa Encantadia ay tinanggap pa din nila ang desisyon nito sa huli.

Tila tumatak na kay Kylie ang kanyang na si Reyna Amihan dahil pati sa kanyang maternity photo ay mapapansin ito. Kamakailan lang ay nagkaroon si Kylie ng maternity photo para sa pangalawang anak nila ni Aljur at marami ang nakapansin na parang si Reyna Amihan ito sa mga nakuhang larawan.



Isa sa mga tema ng maternity photo ni Kylie ay ang Fantasy kung saan suot niya ang kulay asul na palda na kakulay naman ng damit ni Reyna Amihan ng Encantadia.

Dahil dito, ang nasabing larawan na ibinahagi ni Kylie sa kanyang Instagram account ay umani ng maraming positibong komento at halos 100,000 likes mula sa mga netizens. Isa sa mga netizens ang nagkomento at nagsabing, “Wooow! Super ganda. Ang akala ko, si Reyna Amihan. Gorgeous mo sa blue dress mo, Kylie. Nag-iisang reyna ng mga diwata ka!”.

Bukod naman sa mga netizens ay hindi din naiwasang magkomento ng stepmother ni Kylie na si Mariel sa nasabing larawan ni Kylie, ayon kay Mariel, “Kylie, I love it!!! I showed Isabella. She said. ‘wow, wearing the blue dress… like Cinderella!”.

Nagpasalamat naman si Kylie sa creative team na isa sa mga dahilan ng napakaganda niyang maternity photo. Bukod sa malafantasy na larawan ni Kylie, marami pa siyang larawan na ibinahagi sa kanyang Instagram account.



Ang ilan nga dito ay ang larawan kung saan pinakita niya ang kanyang baby bump at mga larawan nila ng kanyang asawang si Aljur noong dumalo sila sa Star Magic Ball. Sa ngayon ay nasa ika-33 linggo na ang pagbubuntis ni Kylie at ilang linggo nalang ang inaantay nila ni Aljur para makita ang pangalawa nilang anak.

error: Content is protected !!