Connect with us

Entertainment

Kylie Padilla, Ipinasilip ang Bagong Bahay na Lilipatan Kasama ang Kanyang Dalawang Anak

Matapos ang kumpirmasyon ni Robin Padilla sa isyu ng hiwalayan ng kanyang anak na si Kylie Padilla at asawa nitong si Aljur Abrenica, ay naging bukas na rin si Kylie sa publiko na ibahagi ang mga plano niya sa buhay kasama ang kanyang dalawang anak.

At kamakailan lamang nga, ay ipinasilip ni Kylie sa kanyang Instagram ang bagong bahay na lilipatan nila ng kanyang dalawang anak na sina Alas at Axl matapos nilang maghiwalay ng kanyang asawang si Aljur.

Caption nga ni Kylie sa kanyang Instagram post, ay nakahanda na ang bagong bahay na kanilang lilipatan. Makikita naman ang excitement ni Kylie sa lilipatang bahay na ayon sa aktres ay ang kanyang “dream home”.

“Our new place is almost ready for my boys and I to move in and I’m so excited.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KYLIE (@kylienicolepadilla)

Dagdag naman ng aktres sa kanyang post, ay tiniyak umano niyang malinis at naka-sanitized ang mga furniture para na rin sa kaligtasan nilang mag-iina laban sa kumakalat na sakit ngayong pandemya.

“But of course, I have to make sure that our new furniture is clean and sanitized.”

Sa Instagram stories naman, ay ibinahagi ni Kylie ang 3D floor plan ng bagong bahay at kanyang dream home na kung saan ay lilipatan nilang mag-ina para magsimula ng bagong buhay.

Matatandaan na sa isang vlog ng talent manager na si Ogie Diaz, ay ibinunyag ng ama ni Kylie na si Robin Padilla na ang kanyang anak at asawa nitong si Aljur ay hiwalay na. Ayon naman kay Robin, ay si Kylie raw ang naunang nakipaghiwalay kay Aljur.

“Una, walang sinasabi ‘yung anak ko. Noon pa, lagi kong tinatanong si Kylie, ‘Argabyado ka ba?’ Hindi naman daw, ‘Okay lang ako, pa.’ Ito, noong tinanong ko siya ulit, ‘Anak, argabyado ka ba?’ ‘Hindi, pa, ako ang nakipaghiwalay, e.”

Samantala, noong nakaraang July 8 sa isang panayam, ay sinabi naman ni Kylie na magkakaroon sila ng “co-parenting relationship” para sa ikabubuti ng kanilang mga anak na sina Alas at Axl.

Noong January 2017 nang ma-engaged si Kylie kay Aljur, at matapos lamang nga ilang buwan, ay isinilang ni Kylie ang kanilang panganay na anak noong August 4, 2017, si Alas. At noong December 11, 2018 nga ang pagmamahalan nilang dalawa ay humantong na sa pag-iisang dibdib. Noong December 10, 2019 naman ay muling biniyayaan ng isang malusog na baby boy ang kanilang pagsasama, si Axl.

Matatandaan na taong 2011 nang magsimula ang relasyon nina Kylie at Aljur ngunit nagkahiwalay naman noong 2014. Pagsapit naman ng taong 2016 ay muli nga silang nagkabalikan. Ngunit, tila hindi nila nalagpasan ang mga hamon at pagsubok ng buhay mag-asawa para mapatatag ang kanilang pagsasama, at nitong taong 2021 ay tuluyang nagwakas ang kanilang relasyon.

error: Content is protected !!