‘Kuys Vhong Navarro’ Ng It’s ShowTime Ikinasal Na Sa Matagal Ng Kasintahang Si Tanya Winona Bautista Sa Tokyo, Japan

“Sa hinahaba man ng prusisyon sa simbahan pa rin ang tuloy” tunay na napakasarap pakinggan ng kasabihang ito. Nagpapatunay na anuman ang pagdaanan ng dalawang taong nagmamahalan ay mauuwi din ito sa kanilang pinakaaasam-asam nilang pag-iisang dibdib.



Sa harap ng altar at maging sa mga taong malalapit sa kanilang puso ang magiging saksi kung saan sila ay nagpapalitan ng simpleng katagang “I do” pero ang higit at mas malalim na kahulugan nito ay ang panghabang buhay nilang pangako sa isa’t isa. Masasabing ito ay siyang pasimula pa lamang ng panibagong yugto ng kanilang buhay bilang mag-asawa.

At sa tinatagal man ng naging prusisyon ang relasyon ng dancer,actor at host na si Vhong Navarro at ng kanyang matagal ng kasintahang si Tanya Winona Bautista ay naabot na rin ng kanilang matagal ng binuong pagsasamahan ang tunay nitong destinasyon.

Samantala, hindi naging ganoon kadali ang naging takbuhin ng kanilang relasyon at sa katunayan pa nga ay inabot ng 11 taon ang relasyon ng loving couple bago sila magdesisyon na magsama na ng panghabang-buhay at maging “Mr.&Mrs.Navarro”.

At katulad ng isang pangkaraniwang relasyon ay dumaan din sa mga pagsubok ang pagmamahalan ng dating “Streetboys” at resident writer ng Kapamilya Network matapos ang kontrobersiyal na kinasangkutan ni Vhong sa mga personalidad na sina Deniece Cornejo at Cedric Lee kung saan ay kinailangan pa ng “Mang Kepweng Returns” actor na pansamantalang umalis muna sa Kapamilya noontime show.



Sa kabilang banda naman, ang sikat na Four Seasons Hotel sa Tokyo Japan ang siyang naging saksi sa pagtatali ng dalawang pusong nagmamahalan kung saan dinaluhan ito ng kanilang pamilya, malalapit na kaibigan at maging mga kasamahan sa industriya ng showbiz.

Samantala, maging ang “It’s Showtime” family ng “Your Moment” host na sina Jhong Hilario, Kim Atienza, Anne Curtis at maging ang Unkabogable Artist na si Vice Ganda ay hindi pinalamapas ang natatanging espesyal na okasyon ng kanilang kasamahan at matalik na kaibigan. Dinaluhan din ito ng kilalang personalidad na si Roselle Monteverde producer ng Regal Entertainment at si Direktor Chito Roῇo na isa sa mga principal sponsor ng engrandeng okasyon.

Pinatunayan ni Vhong at Tanya na anuman ang pagsubok na pinagdaanan ng kanilang relasyon at maging ang mga kanilang nakaraan ay hindi magiging hadlang upang hindi makarating sa ‘happy ending’ ng kanilang pagmamahalan.

View this post on Instagram

MAMAYA PA YAN VHONG! @vhongx44 @t.winona #teenadhanakayvhong

A post shared by Kuya Kim (@kuyakim_atienza) on

Congratulations Kuys Vhong at Tanya..