Kuya Wil, Ibinenta ang Kanyang Sasakyan ng Bagsak Presyo para Mabilis Mabili Upang Idonate sa mga Kababayan Natin na Nasalanta ng Bagyong Ulysses

Ang Tv host comedian-actor na si Willie Revillame, ay kilala ng marami sa atin bilang isa sa mga personalidad sa showbiz industry na taglay ang pagiging matulungin, kung saan ay ilang beses na niya itong napatunayan sa kanyang programa sa telebisyon.

At ngayon nga na marami sa ating mga kababayan , ang nangangailangan ng tulong dahil sa ginawang pananalanta ng bagyong Ulysses sa kani-kanilang mga lugar, ay muli isa ang Tv host na si Willie Revillame sa mga nagbigay tulong sa mga ito.




Kamakailan lamang, sa naging espesyal na episode ni Willie na Wowowin, nitong Biyernes, ay ibinahagi ng comedian-host, na ang isa sa kanyang mga sasakyan, ay kanyang ibinenta at ang halaga nga na pinagbilhan nito, ay mapupunta bilang tulong sa mga kababayan natin na lubhang naapektuhan ng lumipas ng bagyo na si Ulysses.

“Bale ho Php7-milyon, dadadagan ko ho ‘yun ng kaunting naipon ko. Magbibigay po ako sa Montalban ng Php5-milyon at another Php5-milyon po sa Marikina”, ang naging saad ni Willie.

Photo credits: GMA | Youtube

Ayon nga kay Willie, mabilis niyang naibenta nag isa sa kanyang mga sasakyan, kung saan ito ay naibenta niya sa halagang P7-milyong piso. Sinabi rin ng host, na ito ay dadagdagan niya mula sa ipon niyang pera, dahil sa ang 5-milyon nito ay mapuputa sa Marikina at ang 5-Milyon naman ay sa Montalban, parehong mga lugar na lubhang naapektuhan ng bagyo.

“Aanhin ko ho ‘yung kotse kung marami akong kababayan na naghihirap? Kahit magbenta pa [ako] ng kahit anong pag-aari, pag-aari mo na hindi mo na kailangan. I think this is the right time”, dagdag pa nga ng comedian-host.

Nilinaw rin ng Tv host ng sikat na programang Wowowin, na kaya niya isinapubliko ang pagtulong ay upang magbigyan ng accountability ang sinuman na makakatanggap nito, at hindi upang ipagmayabang ang tulong na kanyang ginawa.




Pasasalamat rin umano ito ni Willie sa lahat ng kanyang mga tagasuporta at tagahanga na patuloy na sumosuporta sa kanya, dahil kung wala ang mga ito, ay hindi naman umano niya mararating ang tagumpay at magandang buhay na mayroon siya ngayon.

Hiling lang umano ni Willie Revillame, ay ang manatiling matatag ang kanyang programa sa telebisyon, upang patuloy din siyang makapagbigay ng tulong sa kapwa.