Connect with us

Entertainment

‘Kung walang kikitain okay lang’: Judy Ann Santos, Ibinahagi Kung Paano Niya Pahalagahan ang kanyang mga Empleyado sa Gitna ng Pandemya

Magmula nang dumating ang pandemya ay talagang naranasan ng marami ang matinding hirap. Marami sa ating mga kababayan ang naapektuhan at nawalan ng trabaho at kabuhayan dahilan nga ng kakulangan ng pera na pantustos sa pangangailangan ng kani-kanilang pamilya.

Mabuti na lamang nga, na may ilang may-ari ng mga negosyo na iniisip parin ang kapakanan ng kanilang empleyado sa gitna ng pandemya. Katulad na lamang nga ng aktres, TV host at negosyanteng si Judy Ann Santos na pinapahalagahan at hangarin na tulungan ang kanyang mga empleyado para may maipakain sa kani-kanilang pamilya sa gitna ng pandemya.

Credits: Niceprint Photo

Mahigit tatlong taon na magmula ng gumawa ng YouTube channel si Juday na pinangalanan niyang Judy Ann’s Kitchen. Ibinunyag ni Juday na maliban sa pag-arte, ay kailangan niya pang mag-explore ng mga bagay na makakatulong sa kanya at sa kanyang pamilya. Noong una raw ay nag-aalangan si Juday dahil hindi niya alam ang gagawin sa pag-aakalang hindi siya madaldal sa harap ng camera kapag mag-isa lang siya. Hanggang sa natutunan na nga niya ang mga bagay-bagay at nagagawa na niyang mag-isa ang magsalita sa harap ng kanyang mga viewers.

Nilinaw naman ni Juday sa interview ni G3 San Diego sa Instagram Live noong May 24, na hindi ibig sabihin na ayaw na niyang sumunod sa ibang tao, kundi nais niya lang mag-explore ng mga challenging na bagay, at ito nga ang pagluluto. Hindi raw siya takot ipagluto ang kanyang pamilya at mga kaibigan, ngunit kapag ibang tao na, ay alam niya na huhusgahan o kaya naman ay gagayahin ang kanyang luto.

Credits: Niceprint Photo

“Not that I’m saying na I’m sick and tired of following people no I’m just saying that I want to validate lang myself na kaya ko ba? Kaya ko bang gawin ‘to? At that time sa edad ko I was actually challenging myself already na ano pa ba yung natatakot kang gawin. So, it was actually cooking. I’m not afraid of cooking for my family and friends. To take my food to a lot of people, it’s something na puwede ka i-judge kasi gagawin nila, gagayahin nila.”

Ibinahagi naman ni Juday na sa loob lamang ng kanilang bahay ang mga content na ginagawa nila para sa kanilang YouTube channel. At ngayon nga, ay ang asawa niyang si Ryan ang namamahala ng kanilang channel. Sa kabila ng pandemya, ay ipinagpasalamat naman ni Juday, na kahit hindi makalabas ng bahay, ay nakaisip sila ng paraan para kumita at makatulong rin sa iba.

Sa nasabing panayam rin ay ibinunyag ni Juday na sa kabila ng marami nilang food business, ay tiniyak niya na hindi sila magtatanggal ng empleyado sa gitna ng pandemya. Kakasimula lang rin ng bagong online business nina Juday kung saan ay nagbebenta ng chicken galantina.

“Ni-launch na lang namin yan two weeks ago. We started selling special items ng Angrydobo on Sunday Market Live nung January. It was Ryan’s idea actually. He had this segment in Eat Bulaga na Bawal Judgmental and yung mga contestants nag-se-sell sa Facebook Live ng mga apparels, ganyan.”

Credits: Judy Ann Santos- Agoncillo | Instagram

Hindi naman maitatanggi na napakabuti ng puso ni Juday, kung saan iniisip ang kapakanan ng mga empleyado sa gitna ng pandemya. Sa halip nga na magtanggal dahil sa kawalan ng kita, ay hindi ito ginawa ng aktres. Bagkus, ay nagpatuloy sa negosyo upang makatulong sa kanyang mga empleyado.

“Kasi pag nasa food business ka sa gitna ng pandemya, ayaw mo madagdagan yung mga taong walang trabaho. So basically, we thought let’s keep on going hanggang mahanap natin yung sweet spot as long as may ipapa-suweldo tayo at may pambayad ng monthly bills.”

“Kung ano yung kikitain natin kahit maliit okay na din. Kung walang kikitain okay lang din basta wala tayong empleyadong tatanggalin or whatever kasi ang hirap na ng buhay as it is. So that’s what happened.”

Maliban naman sa kanyang food business, ay ipinapakita rin ni Juday ang kanyang pagsuporta sa iba pang small business ngayong pandemya.

Credits: Image from Google

Sa kabila nga ng hirap na nararanasan ng marami dahil sa pandemya, ay nananatiling positibo ang pag-iisip ni Juday. At bilang isang business owner sa gitna ng pandemya, gaano man kahirap ang buhay ngayon, ay naniniwala at umaasa si Juday na magiging maayos rin ang lahat.

“I’m just so grateful and thankful na bilang Pilipino, maabilidad kasi tayo. Naniniwala ako diyan. Gagawa at gagawa tayo ng paraan para mabuhay, para makapagpatawa, kasi yung lungkot mo dadaanin mo na lang sa gagawa ka ng outlet mo para ilabas mo yun. And at the same time makakapag pasaya ka ng mga tao. It is something that I should say na nagpapasalamat ako na hindi ako malugmok na tao.”

“Hindi ko dinidibdib masyado ang mga bagay bagay. Wala na tayong magagawa. Si Lord na ang gumawa nito. Alangan namang kuwestiyunin natin si Lord di ba? May ibig sabihin ito. Hanapan na lang natin ito ng sagot.”

error: Content is protected !!