Connect with us

Entertainment

“Kanya kanyang trip lang yan” Alessandra may Mensahe sa mga Taong Nangmamaliit ng mga Babaeng Hindi Pa Kasal at Wala Pang Anak Kahit Nasa Tamang Edad Na

Ang award-winning actress na si Alessandra de Rossi, hanggang ngayon, ay walang katuwang sa buhay sa edad na 36 taong gulang. Ibig sabihin lamang nga nito, ay nananatiling single ang aktres.

At kamakailan nga, ay may malalim na hugot ang aktres sa love life na kanyang idinaan sa pagpost sa Twitter. Ang hugot nga ni Alex, ay tungkol sa isyu ng pagiging single at nangmamaliit sa mga babaeng hindi pa ikinakasal at wala pang anak kahit na lampas na kalendaryo ang edad.

Ang makabasa o makarinig ng mga negatibong komento tungkol sa mga babaeng masasabi na nasa tamang edad naman na, ngunit wala paring sariling pamilya ay nagdudulot ng kalungkutan sa aktres.

Unang banat ni Alex sa isang tweet,“BV (bad vibes) na minsan when people make you feel you’re less of a woman, bec[ause] you’re not married or you don’t have kids (yet) or a ring on your finger. Para bang. Pwede bang ito yung path namin?!”

Photo credits: Alessandra | IG

Hindi naman dito natapos ang aktres, kung saan ay pabiro pang humirit at sinabi:

“Sige, what is the essence of a woman? Malay ko! I don’t even know the essence of a man! CHOT!”

Ayon nga kay Alessandra, ang bawat kababaihan ay may kanya-kanyang paniniwala at pananaw sa buhay. Kaya naman, anuman ang nais gawin ng mga ito sa buhay, ay dapat igalang at hindi na dapat ipagkumpara pa. Dahil kahit siya, ay napapaligaya ng mga simpleng bagay.

“If motherhood or getting married is the best thing that ever happened to you, I’m happy for you. I’m sure it is the happiest place to be. Pero okay naman ako sa Jollibee.”

Dagdag pa niyang hugot, “Kanya kanyang trip lang yan. Naiiyak nga ako sa magandang sunset and it’s also the best thing for me.”

Hindi naman pinalampas ni Alex ang pagkakataong sagutin ang mga komento sa kanyang tweet, hanggang sa mapag-usapan ang isyu tungkol sa pagloloko ng partner.

Photo credits: Alessandra | IG

Opinyon nga ng aktres, kapag hindi na masaya sa relasyon ay maaari nang umalis ngunit hindi na umano kailangan pang dumating sa puntong magkakasiraan pa pagkatapos ng break up. Sa halip nga, ay dapat manatili lamang sa magkarelasyon ang anumang hindi pagkakaunawan sa pagitan nila.

“Btw cheating will never be justified. There is no excuse. You are free to leave kung di ka happy. But a problem between two people, should remain between two people. That was my point. Sorry if it sounded shallow. We see things as we are, keep that in mind.”

“An ex who gains pleasure from shaming after a breakup is a psycho. Beware. Everyone makes mistakes. But getting even.. that’s cold-hearted behavior. Ingat,”dagdag pa nito.

Marami naman sa mga netizens ang nagkwento ng kanilang karanasan sa kani-kanilang love life kung saan ang ilan ay natikman ang paghihiganti ng kanilang mga ex. May ilan namang netizens ang sumang-ayon sa opinyon ni Alex, at ang ilan naman taliwas sa opinyon ng aktres.

Photo credits: Alessandra | IG

“So true…I hate it pag may nakikita or nababasa ako na nagsisiraan after the breakup. Kasi naman i’m sure for once naging masaya naman kayo sa isa’t isa,” pagsang-ayon sa kanya ng isang Twitter user.

May isang netizen naman ang nagkomento sa sinabi ni Alex,

“LOL. Calling someone a psycho for shaming an ex and at the same time defending a cheater by simply saying that ‘everyone makes mistakes’ shows how shallow your mind is.”

Sinagot naman ito ni Alex, at ipinaliwanag ang kanyang opinyon.

“Salamat. Hindi kasi natin alam ang reason for cheating so it’s hard to say. Baka may violence involved? Who knows. But seeking revenge is different story. May pinasamahan kayo. A mistake will never correct another mistake. And that’s how shallow the world is. Welcome to the club!” paliwanag naman ni Alex.

Photo credits: Alessandra | IG

Sa huli nga, ay hindi na nga nagpapigil pa sa kanyang hugot si Alex. Saad nga ng award-winning actress, kung napapagkakitaan lang ang heartaches, ay baka raw bilyonarya na siya.

“Kung pagkakitaan ko heartaches ko, bilyonarya na ako. But putting other people in a bad light will never make me the better person.”

error: Content is protected !!