Connect with us

Entertainment

“Kung iyon ay hindi nyo mapag-usapan, then may problema kayo”: Chiz Escudero, Inaming Hindi Isyu ang Mas Malaking Kita ni Heart Evangelista

Noon, normal na ang lalaki ang nagtatrabaho at nagtutustos ng mga pangangailangan ng kaniyang asawa at mga anak. Ngunit sa panahon ngayon, malayang nakakapagtrabaho o naghahanap-buhay ang mga kababaihan at kung minsan pa nga ay mas malaki ang kanilang kinikita kumpara sa kanilang mga asawa.

Dahil dito, nagkakaroon ng kaunting isyu kung saan hindi nagugustuhan ng ilang kalalakihan na mas malaki ang kinikita ng kanilang mga misis.

Photo credits: Heart Evangelista | IG

Ngunit kakaiba ang politiko na si Chiz Escudero. Talagang kahanga-hanga ang pag-iisip ni Chiz bilang asawa ng kilalang socialite at artista na si Heart Evangelista. Sa isang episode ng Adulting with Chiz sa YouTube channel ni Heart, ibinahagi ni Chiz ang kaniyang opinyon tungkol dito.

Photo credits: Heart Evangelista | IG

Ayon sa kaniya, mahalagang mapag-usapan o magkasundo ang mga mag-asawa sa usaping pera,

“Kung iyon ay hindi nyo mapag-usapan, then may problema kayo. Pwedeng pag-usapan nang deretso. Pwede it just flows. By tradition, men provide. Pero sa mundo ngayon hindi na rin, kasi may mga sitwasyon na mas madami naman kinikita yung babae tulad mo kesa yung lalaki. Hindi naman masama, kawalan o sampal sa lalaki. Hindi dapat pine-personal yung ganun.”

Photo credits: Heart Evangelista | IG

Dagdag pa ni Chiz, sa isang relasyon, kailangan ang pagtutulungan hindi lamang sa mga gastusin ng pamilya kundi pati na rin sa emosyonal at psychological na aspeto. Pagdating naman sa pagkakaroon ng bank account ng mag-asawa, ayon kay Chiz ay hindi naman ito talagang kinakailangan,

“Kasi hindi naman palaging dapat lumulubog sa kumunoy. Dapat may isang maiiwan sa taas para hilahin yung lumulubog sa kumunoy.”

Photo credits: Heart Evangelista | IG

At dahil kilala rin si Heart sa kaniyang magarang pamumuhay at iba’t ibang mamahaling kagamitan, isa rin umano sa napag-usapan nilang mag-asawa ay ang mga personal na gastusin ni Heart para sa mga ito. Kwento ni Heart,

“Lagi sinasabi ni Chiz, ‘Okay, you wanna work. If you want to spend your money, then okay. Enjoy your hard-earned money. But you can’t expect na parehas tayong dalawa na nagwa-waldas ng pera,’ because in any case, if things don’t work out for the other person, you have a parachute. And my parachute is Chiz.”

Photo credits: Heart Evangelista | IG

Talagang kahanga-hanga ang naging pag-uusap na ito ni Heart at Chiz lalo na at isang malaking isyu ang usaping pera. Sigurado naman na may mapupulot dito ang ilang mag-asawa.

error: Content is protected !!