Connect with us

Entertainment

Kristine Hermosa-Sotto, Ipinakita Ang Husay Sa Pagbe-bake ng Masarap na Spanish Bread Para Sa Kanyang Pamilya

Dekada 90 nang sumikat ang aktres na si Kristine Hermosa sa industriya ng showbiz. Dahil nga sa kanyang natatanging kagandahan at angking talento sa pag-arte ay namayagpag ang kanyang karera sa showbiz.

Ipinamalas nga ni Kristine ang kanyang husay sa pag-arte sa mga pelikulang kanyang pinagbidahan. At ilan nga sa mga ito ay nakatambalan niya ang mga sikat na aktor na sina Diether Ocampo at Jericho Rosales. Ang tambalan nina Kristine at Diether ay nauwi naman sa pag-iisang dibdib, ngunit sa huli ay nagkahiwalay rin sila.

Muli namang umibig si Kristine sa katauhan ng aktor na si Oyo Sotto na kanya nang asawa sa loob ng halos 11 na taon. At ngayon nga, ang kanilang pagsasama ay biniyayaan na ng limang anak. Sila ay sina Ondrea Bliss, Kristian Daniel, Marivic Valentin, Kaleb Hanns at Victorio Isaac.

Hindi naman maikakaila ang pagiging isang mapagmahal na asawa at ina ni Kristine sa kanyang pamilya kung saan nga ay talagang napaka-hands on. At habang nasa gitna ng nararanasang quarantine ay hindi pinalampas ni Kristine ang pagkakataong ipakita ang pagmamahal sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng isang masarap na tinapay na siya mismo ang nag-bake.

Dahil nga mas maraming oras si Kristine para makabonding at maipaghanda ng pagkain ang kanyang pamilya, ay tiniyak naman niya na magugustuhang ng mga ito ang kanyang inihanda. Matatanda nga na minsan nang ibinahagi ni Kristine, na ipinag-bake niya ng Spanish bread ang kanyang pamilya.

Sa Instgram ay ibinahagi ni Kristine ang larawan ng kanyang masarap na Spanish bread na siya mismo ang nagbake. Ilan pa sa mga larawan ay makikitang sarap na sarap ang kanyang mga anak at asawang si Oyo habang kinakain ang Spanish bread.

Ayon naman kay Kristine, ay madalas siyang natatakam na kumain ng Spanish bread,ngunit wala siyang makita. Kaya naman, talagang nag-aral siya kung paano ito gawin. At tila nga agad niyang nakuha ang tamang proseso at tamang timpla ng pag-bake nito dahil kahit unang beses niya itong ginawa ay makikita naman na talagang nasarapan ang kanyang pamilya sa kanyang inihanda.

“Always craving pero mailap siya. So, learned to make on my own. Thank you Jesus for the courage, wisdom and the shared online recipe..pati na rin to my ever supportive tagakain muntik na ako mawalan ng loob. Buti na lang lahat kinakain nila basta gawa ko.

Marami naman ang natuwa at humanga kay Kristine sa kanyang ginawa para sa kanyang pamilya. Ang ilan pa nga ay natakam sa masarap na Spanish bread ng aktres na siya mismo ang nag-bake.

“Wow mukha talagang masarap! Galing.”

“That’s my fave too I keep looking that now but out of stock always. Please share now to your channel. I want to bake that too.”

error: Content is protected !!