Connect with us

Entertainment

Kristine Hermosa, Proud na Ibinahagi ang Pagiging Isang Mabuting Asawa ni Oyo Boy Sotto at Mapagmahal na Ama sa kanilang mga Anak

Ang mag-asawang Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa ay pinagtibay na ng panahon ang kanilang pagsasama mula ng ikasal noong taong 2011.




Hindi naman maikakaila na ang kanilang pagsasama ay puno ng saya, kung kaya’t nabiyayaan ng apat na anak ang kanilang pagmamahalan.

Samantala, ang aktor na si Oyo Boy Sotto, ay kilala na sa kanyang husay pagdating sa pag-arte. Kaya naman, talagang hinahangaan siya ng publiko dahilan nga upang mas lalo pa siyang makilala. Ngunit, maliban sa pagiging isang sikat na aktor, ay ipinagmamalaki rin si Oyo ng kanyang asawang si Kristine.

Ito nga ay dahil, napakabuting tao ni Oyo lalo na pagdating sa kanyang pamilya, na isang mabuting haligi ng tahanan. Isa ngang mabuting asawa at mapagmahal na ama si Oyo sa kanilang pamilya.

Hindi naman maikakaila kung gaano kamahal ni Oyo ang kanyang pamilya. Ang pagsusumikap at kasipagan nga ng aktor ay kanyang ginagawa para sa kanyang pamilya. Ang wagas at tunay na pagmamahal naman ni Oyo para kay Kristine, ay hindi kumukupas dahil hanggang ngayon, ay napapasaya at napapakilig niya parin ang kanyang maybahay.

At noong Valentine’s day nga, ay talagang naghatid ng kilig sa kanyang asawa si Oyo matapos itong regaluhan ng bulaklak. Sa Instagram, ay makikita sa larawang ibinahagi ni Kristine, na pati ang kanilang anak na babae na si Ondrea, ay nakatanggap rin ng bulaklak. Maging ang kapatid ni Kristine na si Kathleen ay nakatanggap rin ng bulaklak.




Sa caption ng post ni Kristine, ay mababakas na talagang napasaya siya ng kanyang asawang si Oyo. Isa ngang napakasweet na mensahe na puno ng pagmamahal ang ipinaabot ni Kristine.

“My forever 🙏🏻❤️ I thank the Lord for you every single day. @osotto Thank you for leading us and showing your love for all of us in your own unique way. 😘 I LOVE YOU.”

Talaga nga namang napakapalad ni Kristine, dahil may isang katulad ni Oyo sa kanilang pamilya, na isang mabuti at mapagmahal na haligi ng tahanan.

Samantala, isang biyaya na naman ang ipinagkaloob sa kanilang pamilya noong nakaraang taon. Ito nga ay ang pang-limang anak ng mag-asawa na ipinagbubuntis ngayon ni Kristine. Tiyak na mas lalo pang magiging masaya ang kanilang pamilya sa nalalapit na paglabas ng kanilang munting anghel.

error: Content is protected !!