Connect with us

Entertainment

Kristine Hermosa, Ibinahagi ang mga Litrato ng Kaniyang Napakasweet at Masayang Pamilya

Makikita sa social media account ng aktres na si Kristine Hermosa na talagang ipinagmamalaki niyang ibinabahagi ang mga kaganapan sa loob ng kanilang tahanan. Dahil dito, nasusubaybayan rin ng mga fans at followers ng aktres ang paglaki ng kanilang pamilya.

Marami din ang nakakakita sa napakasweet na relasyon ng mga anak ni Kristine.

Isa nga sa ibinabahagi sa ngayon ni Kristine ay ang mga litrato ng kaniyang bunsong anak na si Vittorio Isaac. Ilan din sa iba pang mga litrato at video ay nagpapakita ng mga bonding moments ng kaniyang mga anak kasama ang kanilang bunsong kapatid na si Isaac.

Sa isang litrato, makikitang karga-karga ng kanilang unica hija si Baby Isaac samantalang sa isang video naman ay kitang-kita na napakasweet ng mga kuya ni Baby Isaac. Talaga namang hindi pinapalampas ng mga anak ni Kristine na mayakap ang kanilang bunso.

Hindi rin naman masisisi ang mga ito dahil talagang napaka-cute ng kanilang kapatid. Dahil dito, talagang natutuwa rin si Kristine sa pagmamahal na ibinibigay ng kanilang mga anak sa isa’t isa kaya naman ipinagmamalaki niya rin itong ibinahagi sa social media.

Bukod sa kaniyang mga anak, swerte rin si Kristine sa kaniyang asawa na si Oyo Boy Sotto na talagang hands-on sa pag-aayos ng kanilang tahanan at pag-aalaga sa kanilang buong pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Oyo Sotto (@osotto)

Mapapansin sa mga litratong ibinahagi ni Kristine na talagang sinisiguro ni Oyo na nagpapakita siya ng magandang ehemplo at impluwensya sa kanilang mga anak.

Masasabing epektibo rin naman ito lalo na at makikita sa ilan pang litrato ang kanilang masisipag na mga anak. Dagdag pa rito, pinapanatili rin nila ang kasiyahan ng kanilang pamilya lalo na sa kanilang mga bonding moments.

Talagang makikita sa social media na mapalad si Kristine sa kaniyang mapagmahal na pamilya. Sa katunayan, nakatanggap siya ng napakasweet na mensahe mula sa kaniyang asawa noong ipinagdiwang niya ang kaniyang kaarawan. Talagang ramdam na ramdam ni Kristine ang pagmamahal ng kaniyang buong pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Oyo Sotto (@osotto)

Dahil sa mga ibinahaging ito ni Kristine, natuwa rin ang netizens na makita at mas makilala pa ang kanilang pamilya. Ikinatuwa rin ng marami ang magandang relasyon nila sa isa’t isa kaya naman maraming netizens din ang naghahangad na patuloy na maging masaya si Kristine at ang kaniyang pamilya.

error: Content is protected !!