Connect with us

Entertainment

Kris Bernal, Ipinasilip ang “Save-the-date Video” Nila ng Kanyang Fiancee na si Perry Choi

Matapos ang mahigit tatlong taong relasyon bilang magkasintahan, ay nagpasya na ngang lumagay sa tahimik ang aktres na si Kris Bernal at fiancee nitong si Perry Choi, isang chef.

Credits: Kris Bernal | Youtube Channel

At para nga sa nalalapit nilang pag-iisang dibdib, ay nagkaroon sila ng tinatawag na “save-the-date video” na binigyang katuparan ng Nice Print Photography. Nito lamang ika-17 ng Agosto ay isinapubliko ng Nice Print Photography, ang naglalaman ng halos 3 minutong video nina Kris at Perry kung saan masisilayan ang labis nilang pagmamahal sa isa’t isa.

Sa nag-uumapaw na kasweetan ng mag-fiancee sa kanilang video bilang teaser sa kanilang nalalapit na kasal, ay walang nakalagay na detalye kung kailan gaganapin ang itinakdang araw ng kanilang pag-iisang dibdib.

Masaya ring ibinahagi ni Kris sa kanyang YouTube Channel ang kanilang “save-the-date video”. At sa caption nga nito, ay may teaser rin si Kris para sa kanyang mga tagahanga na kanyang iaanunsiyo sa kanyang Youtube channel kung kelan ang exact date ng wedding nila ni Perry soon.

Credits: Kris Bernal | Youtube Channel

Ang napakagandang aktres na si Kris, na ngayon nga ay 32 taong gulang na, ay talaga namang blooming at masayang-masaya sa piling ng kanyang fiancee na si Perry. Sa katunayan nga nito, sa inilabas na video ay makikita ang masayang ngiti sa mukha ng aktres.

Matatandaan naman na na-engaged si Kris sa kanyang boyfriend na si Perry noong nakaraang taong 2020 buwan ng Pebrero. Ito nga ay naganap sa kanyang birthday bash, kung saan nga ay siya mismo ang naghanda.

Minsan na ring ibinunyag ni Kris sa publiko na ang kanilang kasal sana ay magaganap noong June 5, 2021 ngunit ito nga ay nakansela dahil sa biglaang pagdami ng kaso ng mga nagpopositibo sa Covid-19. At bilang pagsunod na rin sa ipinapatupad na safety protocols upang maiwasan ang lalong pagdami ng kaso.

Credits: Kris Bernal | Youtube Channel

“June 5, 2021. The day I was supposed to turn from Ms. Bernal to Mrs. Choi, and my supposed biggest day ever,”pahayag ni Kris sa isa niyang naging post.

Dahil nga sa matinding pakikipaglaban sa pandemya, matapos kausapin ang kanilang mga kaibigan, pamilya at kanilang supplier, ay napagpasyahan nga na iurong muna ang kanilang kasal.

“I remember it was April, when a sudden surge in COVID-19 cases happened and it reached around 12k or 15k a day so we decided to move our wedding instead. After careful consultation with our families, friends, and suppliers, it’s with deep sadness and heavy hearts that we had to move the wedding to a later date because of the coronavirus surge.”

Credits: Kris Bernal | Youtube Channel

Pag-amin naman ni Kris, ay hindi naging madali ang ginawa niyang desisyon lalo na nga’t napakahalaga para sa kanya ang araw na ito. At ito nga ang pinakamahirap na desisyon na kanyang ginawa sa tanang buhay niya. Ang kaligtasan ng kanyang mga mahal sa buhay, at mga bisita ang nagtulak sa kanya na gawin ang kanyang desisyon na iurong ang petsa ng kanilang kasal.

“Nonetheless, the important thing is, the wedding is not entirely cancelled but moved to a later date and prioritizing the safety of everyone above anything else.”

error: Content is protected !!