Connect with us

Entertainment

Kris Aquino, Sumabak sa “Jojowain at Totropahin” Challenge, Nais Jowain sina Empoy, Alden Richards, Piolo Pascual at John Lloyd Cruz

Katulad ng ilang sikat na celebrity sa showbiz, sumabak na rin ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa patok na challenge na kinagigiliwan ng marami, ang “Jojowain at Totropahin” challenge na kanyang ibinahagi sa vlog na mapapanood sa kanyang YouTube channel.

Mapapanood sa video na habang kumakain kasama ang anak na si Bimby, ay sumabak si Kris sa nasabing challenge. Nang tanungin nga si Kris kung sino sa mga nabanggit na kilalang personalidad sa showbiz ang kanyang Jojowain at Totropahin, ay magiliw at diretsahan ang kanyang naging mga kasagutan.

Nang mabanggit ang pangalan ng aktor na si Piolo Pascual, ay inamin ni Kris na gusto niya itong jowain. Saad nga ni Kris, ay walang duda na jojowain niya ang aktor, na sinuportahan naman ng nasa tabi niyang si Bimby.




Sumunod namang gustong jowain ni Kris, ay ang tinaguriang Pambansang Bae na si Alden Richards. Para nga kay Kris, ay gusto niya umano ang makinis nitong balat at cute nitong dimple.

Jojowain rin ni Kris ang mahusay na aktor na si John Lloyd Cruz. Ito nga ay dahil, bukod sa generous ito, ay year of the Pig rin ito.

“Jojowain! Yes and you know why, nabalitaan ko lang very generous siya. Ha-hahaha! Saka Year of the Pig din siya, eh, so para kumpleto na kami kasi Pig si Kuya (Josh), pig si Bimb at pig ako at siya rin, hi JLC.”

Samantala, ang aktor namang si Coco Martin, ay trotrapahin naman ang naging kasagutan niya. Napakagenerous rin nito, at minsan na siyang binigyan nito ng regalo.

Ilan pa sa mga personalidad na piniling jowain ni Kris ay si Empoy Marquez dahil mabait umano ito. Si Willie Revillame ay jojowain rin ni Kris kahit pa daw likas itong babaero ngunit pareho umano silang maykaya sa buhay.




“I know that he has his money and we have our money and then I also know na with him, you know what you’ll getting yourself into kasi hindi naman nambobola, alam naman nating babaero siya, so, what’s the big deal?”

Mas pinili namang tropahin ni Kris ang batikang aktor na si Gabby Concepcion dahil mas maganda raw ito sa kanya. Maganda raw ang mukha nito, at baka mas mapansin pa raw ito kaysa sa kanya kapag nagsama silang magpapicture.

“Yung mukha niya beautiful, eh, kasi ‘yung kutis, ‘yung lips, ‘yung nose, ‘yung mata. Kung naging babae ‘yan, Miss Universe ‘yan! Pag magkatabi kami sa picture hindi ka na mapapansin, ayaw ko, gusto ko pansinin ako.”

Totropahin rin ang naging kasagutan ni Kris kina Sen. Antonio Trillanes, at Mayor Vico Sotto. Samantalang ang mahusay na journalist na si Raffy Tulfo, ay nais ring jowain dahil pareho silang mahilig mangolekta ng mamahaling sapatos.

Ikinatuwa rin ni Kris nang pinapili siya kung Jojowain o Totropahin ang babanggitin na pangalan. Agad ngang sumagot si Kris ng Jojowain, at ganun na lamang ang kanyang ngiti nang si Sen. Bong Go, ang binanggit.

Paliwanag naman ni Kris,“Ay kaya kong sagutin ‘yan kasi makinis siya. Sorry ha, I know this is mababaw pero ayaw ko talaga ng ma-pimple. Importante talaga sa akin na makinis ‘yung kutis. E, si Bong Go feeling ko mahilig siyang maligo kasi makinis talaga ‘yung skin niya and he’s been nice to us at ang dating niya hindi siya mayabang.”

Sa huli ay binigyang diin ni Kris na huwag seryosohin ang nasabing challenge, dahil katuwaan lamang ito.

error: Content is protected !!