Connect with us

Stories

Kris Aquino, Patuloy na Sumasailalim sa mga Eksaminasyon, Tinututukan na ng mga Doktor ang Vital Signs

Hindi na lingid sa kaalaman ng lahat ang kondisyon ng aktres at host na si Kris Aquino. Mula nang magkasakit ito ay ibinabahagi niya sa mga taga-suporta at mga kaibigan ang kaniyang kondisyon. Maging sa kaniyang social media accounts ay patuloy na nagbabahagi ang aktres ng mga bagong updates sa kaniyang kalusugan. Patuloy rin siyang humihingi ng suporta at dasal mula sa mga tao.

Sa mga social media post na ito makikita ang mga gamot na kaniyang iniinom. Dagdag pa rito, ibinahagi rin niya ang mga eksaminasyon na kailangan niyang gawin upang masiguro kung ano ang kaniyang sakit at ang magiging kagamutan para dito.

Bagamat isinasapubliko ni Kris ang kaniyang karamdaman, talagang nakakatuwa pa ring makita ang kaniyang mga mahal sa buhay na nasa kaniyang tabi at nagbibigay sa aktres ng lakas upang labanan ang kaniyang sakit. Mayroon din siyang iilang mga kaibigan na nagbibigay ng kakaunting balita sa publiko.

Sa kabila nito, ilang linggo na nga ang nakakaraan nang huling magkaroon ng Instagram update si Kris kung saan ipinaliwanag niyang nadiskubre na sa wakas ng mga doktor ang kaniyang sakit. Mayroong kumpirmadong tatlong autoimmune na sakit ang aktres.

Kabilang na rito ang chronic spontaneous urticaria, autoimmune thyroiditis, at ang late stage 3 ng Churg Strauss Syndrome. Mababasa rin ng mga netizens ang maikling paliwanag sa sakit na ito at ang paunang gamot para dito. Ayon kay Kris, nag-aalala ang kaniyang mga doktor sa posibleng epekto nito sa kaniyang puso at baga.

Dahil dito, kinailangan ng aktres na lumipad papunta sa Amerika upang masuri siyang mabuti ng mga doktor at upang masimulan na rin ang kaniyang gamutan.

Sa isa namang YouTube video ng kilalang host na si Cristy Fermin, nagbahagi siya ng ilang updates tungkol sa kalusugan ni Kris. Ayon sa host, mula ito sa kaniyang pinagkakatiwalaang source at nagdesisyon siyang ibahagi na ito dahil na rin sa dami ng taong nais malaman ang kalagayan ng aktres.

Kwento nga ni Cristy, hindi pa nagsisimula ang treatment para sa sakit ni Kris dahil patuloy pa siyang sumasailalim sa mga eksaminasyon ng kaniyang vital signs upang masiguro ang kondisyon ng kaniyang katawan.

error: Content is protected !!